Mickey ikinakampanya ang supporter ni Erap; Kilos GMA
April 27, 2001 | 12:00am
Mukhang maging sa kanyang probinsiya sa Pampanga ay hindi makakamit ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang minimithing 13-0 para sa kanyang mga manok sa Peoples Power Coalition (PPC). Watak-watak kasi ang mga lokal na lider sa apat na distrito ng Pampanga dahil sa hindi makatarungang pakipagsabwatan ni Gov. Lito Lapid sa National Peoples Coalition (NPC) na nagresulta sa pag-itsa-puwera ng maraming orihinal na LAKAS members, na siyang backbone ng PPC.
Kung bakit pinapaboran ni Lapid ang LAKAS chairman ng Pampanga, ang taga-NPC keysa taga-LAKAS ay siya lang ang nakakaalam. May duda naman ang mga taga-LAKAS na may kinalaman dito ang anak ni GMA na si Mickey Arroyo, ang runningmate ni Lapid sa May 14 elections. Sa kanyang sulat kay GMA, sinabi ni dating Congressman Emy Lingad, na sa 2nd district pinaboran pa ni Lapid ang kandidatura ni imcumbent Rep. Zeny Ducut, ang NPC chairwoman ng Pampanga, imbes na suportahan siya, ang orihinal na LAKAS member.
Ang mga taga-NPC din ang sinuportahan ni Lapid sa mayoral bets ng mga bayan sa 2nd district maliban kay Vice Mayor Dayrit ng Guagua na si Lingad nga ang dinala. Sa ngayon sina Lingad at Dayrit lamang ang nangangampanya para sa 13-0 ni GMA.
Paano ikakampanya ni Ducut itong 13-0 ni GMA eh noong impeachment ni Erap nga ay hindi ito kumampi sa kanya? Sa kainitan nga ng paglilitis kay Erap, patuloy na ipinakita ni Ducut ang kanyang suporta sa pamamagitan ng pag-imbita sa sinipang Presidente sa inauguration ng isang tulay diyan sa Pampanga. Di mo ba na-monitor to GMA?
Kung ano ang dalamhating dala-dala ni Lingad sa 2nd district, ganoon na rin ang sistema sa tatlong distrito pa sa Pampanga. Sa 3rd district, sinuportahan ni Lapid ang kandidatura ni incumbent Rep. Oca Rodriguez, isa sa mga key players ng EDSA 2, subalit sa pagka-mayor taga-NPC ang itinaas niyang mga kamay. Sa 4th district naman, walang kalaban ang taga-NPC na tumatakbong congressman dahil umano tinakot ni Lapid ang mga may balak lumaban na hindi niya susuportahan. Ano ba yan?
Ayon pa sa sulat ni Lingad, sa kanyang distrito, tuluyan na siyang iniwan ng LAKAS leaders ng probinsiya dahil maging ang pakialamerong anak ni GMA na si Mickey ay hayagang ikinakampanya ang kandidatura ni Ducut. Para kayong nag-alaga ng ahas niyan ah? Marami sa mga sumuporta kay GMA noong EDSA 2 ay nagdadalamhati ngayon dahil sa ginawang coalition nitong sina Lapid at Mickey, na kapwa hindi marunong tumanaw ng utang na loob, anang mga Pampangueño.
Kung hindi maaayos ni GMA itong sigalot sa Pampanga, paano niya makuha ang hangad niyang 13-0 para sa kanyang mga manok sa Senado? Isang malaking sampal sa liderato ni GMA kapag sa Pampanga mismo ay manalo ang grupo ni Erap. Kumilos ka na GMA!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended