^

PSN Opinyon

Sinong Herodes ang padrino ni SPO4 Rene De Jesus?

-
May iringan ngayon sa Western Police District (WPD) na kung hindi kikilos si WPD chief Sr. Supt. Nick Pasinos ay maaaring maapektuhan at masira ang kanyang pangalan. Galit na galit umano ang ilang pulis sa WPD sa kasamahan nila na si SPO4 Rene De Jesus at ang grupo nito dahil nawalan sila ng trabaho. Bakit? Ito palang si de Jesus ang nanalo sa ‘‘bidding’’ ukol sa palakihan ng intelihensiya sa mga pasugalan kaya’t lulugo-lugo ang ilang pulis, kabilang na rito ang ilang ‘‘bataan’’ ni Pasinos.

Sa isang sulat na nakarating sa akin, pangkalahatang intelihensiya na ang kinukuha nitong si De Jesus at mga kasamahan niya. Ang masama nito, tinaasan ni De Jesus ng tatlong bahagi ang dating koleksiyon ng pinalitan niya kaya’t hayun nag-iiyakan ang mga gambling lords sa Maynila.

Ang matindi pa nito, sa sistema niya, hindi pinapansin ni De Jesus ang ‘‘no take policy’’ na pinaiiral nina Interior Secretary Joey Lina at Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza. Ano ba ’yan Sir Larry, mukhang hindi sinusunod ang mga kautusan mo ah. Magsample ka para hindi masabing mahina ang liderato mo! Kung ipatatapon mo si De Jesus, Sir Larry, isama mo ang mga bataan niyang sina SPO2’s Ed Morata at Rolly Bañez. Alam naman namin na hindi mo kaya si Pasinos dahil gaya mo ‘‘bata’’ rin siya ni Executive Secretary Renato ‘‘Teka-Teka’’ de Villa, di ba?

Sinabi pa sa sulat na hindi mapahindian ni Pasinos ang ‘‘padrino’’ ng grupo ni De Jesus kaya’t nagsawalang-kibo na lang siya. Sino kayang Herodes itong padrino ni De Jesus? Maliban sa kinokolekta niya ang Special Operations Group (SOG) ng City Hall detachment at apat pang unit, itong grupo ni De Jesus ang nag-‘‘centralized’’ ng koleksiyon ng WPD. Ibig sabihin nito ‘‘suwelduhan’’ na lang ni De Jesus ang mga hepe ng intelligence, district police intelligence unit (DPIU) at mga staff officers ni Pasinos. Ibig sabihin kaya ng galaw na ito ni De Jesus ay bukas na ang mga pasugalan sa Maynila? Tanong lang po Sec. Lina at PNP Chief Mendoza Sirs. Eh, kung bukas sa Maynila, hindi na lalayo na sa mga kalapit nitong lugar ay naglilipana na rin ang mga pasugalan, di ba mga suki?

Kung sabagay, itong opisina ni Lina ang Camp Bagong Diwa sa Bicutan at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Camp Crame ay nangongolekta na rin sa ngayon. Balik sa dating gawi ‘ika nga. Bakit kaya tahimik ang kampo ni dating PNP chief Ping Lacson, na senatoriable na sa ngayon, sa isyung ito? Ayos na ba kayo ni Ilocos Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson, Sir Ping?

Kapag patuloy sa pamamayagpag itong grupo ni De Jesus, ang magagasgas ay itong pangalan ni Pasinos. Baka naman gawa-gawa lang ng kalaban ni Pasinos itong sulat para nga masibak siya at mapalitan. Abangan.

BAKIT

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CHIEF MENDOZA SIRS

DE JESUS

JESUS

MAYNILA

PASINOS

SIR LARRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with