Araw ng Kagitingan: Noon at ngayon
April 9, 2001 | 12:00am
Ang bansa ay nagdiriwang ngayon ng Araw ng Kagitingan. Paminsan-minsan, kailangan nating lumingon sa ating kasaysayan upang muling maisabuhay natin ang mga kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino. Ang Araw ng Kagitingan ay isang pagkakataon upang ang buong bansa ay magsama-sama at ipagdiwang ang kagitingan at kadakilaan ng mga Pilipino.
Sa ating pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan, ang kagitingan na ipinamalas ng mga Pilipinong gerilya sa pakikipaglaban para sa kalayaan at kasarinlan ay bumuhay sana sa ating dugo at makita ang kadakilaan ng ating lahi. Sa modernong panahon, maaaring mahirap maunawaan ang tindi ng apoy sa dibdib ng mga Pilipino noon upang masupil ang mga dayuhang mananakop kung kaya kampante na tayong tumatamasa sa bunga ng kalayaan at demokrasya.
Kung noon ang laban ay para sa kalayaan, ngayon naman ang laban ay para sa mas mabuting antas ng pamumuhay. Kung noon, ang kalaban ay ang mga dayuhan, ngayon ang kaaway ay kahirapan. Kung noon ang minimithi ng buong bayan ay ang pagkakaroon ng pamahalaang pinalalakad ng mga Pilipino, ngayon ang minimithi ay tunay na pag-unlad at mabuting pamunuan.
Matagal na panahon man ang nakalipas, nagbago man ang mga kondisyong pulitikal, hindi pa rin nagbabago ang tunay na diwa ng Araw ng Kagitingan at ito ay ang Kagitingan ng Pilipino. Sa harap man ng digmaan at paghihirap sa buhay, nanatiling buhay ang kadakilaan ng Pilipino at ang pag-asang makakamit ang mas magandang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended