^

PSN Opinyon

Editoryal - May 'tinitingnan' at 'tinititigan' si Perez

-
Humahanga kami kay Justice Sec. Hernando Perez noon pa. Nakadagdag sa paghanga ang ginawa niyang papel sa impeachment trial na nagpaguho kay Joseph Estrada. Mula sa pag-uumpisa ng impeachment trial, nasalamin namin sa kanya ang kaseryosohan na makalkal ang katotohanan sa katiwalian ni Estrada. Wala siyang takot. Kaya bagay sa kanyang pamunuan ang Justice Department. Pero napapansin naming habang tumatagal, mayroon na siyang ‘‘tinitingnan’’ at "tinititigan’’. Mayroon na siyang ‘‘hinahaplos’’ at mayroon ding ‘‘hinahambalos’’. Napapansin naming hindi na siya nagiging parehas sa kanyang mga aksiyon.

Isang halimbawa rito ay ang mahigpit niyang pagtutol na mabigyan ng akreditasyon ang Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD) para makalahok sa May 14 elections. Sumulat siya sa Commission on Elections na humihiling na kanselahin ito. Ang sulat ay binubuo ng apat na pahina at naka-addressed kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo. Sinasabi ni Perez na ang MAD movement ay apolitical. Ito aniya ay proyekto ng gobyerno na ang pondo’y dapat gamitin para suportahan ang mga aktibidad nito. Ang mga miyembro ng MAD ay taumbayang nagkakaisa ng layunin para labanan ang droga hanggang maging drug-free country ang Pilipinas.

Nakapagtataka kung bakit ang MAD ang labis na pinag-iinitan ni Perez gayong napakaraming mga party-list na nakakuha na ng slot sa House of Representatives. Nakatitiyak kaya si Perez na pawang may magandang layunin ang mga party list nakakuha na ng accreditation o para sa pansarili lamang. Kataka-takang kung sino ang partidong may layuning malutas ang drug problem ay siya pang pinagdidiskitahan ni Perez. Ang illegal drugs ay isa sa mga malulubhang problema na dapat durugin ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Gaano karaming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa salot na ito ng lipunan? Gaano karami ang nabibiktima ng mga bangag sa bawal na gamot – may pinapatay, nire-rape, pinagnanakawan at marami pang iba?

Kami ay mahigpit na kalaban ng mga ‘‘salot sa lipunan’’ sa simula pa lamang at nagkakaroon kami ng sentimiyento sa hindi parehas na aksiyon ni Perez sa MAD na pinamumunuan ni dating Presidential Adviser for Youth and Sports Richard Gomez at PNP Deputy Director General Jewel Canson. Matalas ang titig niya sa MAD na para bang lumilihis siya sa tunay na layunin ng kanyang hinahawakang departamento.

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JEWEL CANSON

GAANO

HERNANDO PEREZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOSEPH ESTRADA

JUSTICE DEPARTMENT

JUSTICE SEC

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with