May 'mafia' ba sa Mandaluyong City hall?
March 17, 2001 | 12:00am
Hindi dapat maging kampante si incumbent Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr., na para bang iniaabot na lamang sa kanya sa silver platter ang re-election bid niya sa darating na May elections.
Sa pagkakaalam ko, mahabang expose ang inihanda ng kampo ni dating Vice Mayor Ernesto Bibot Domingo laban kay Mayor Abalos at sa kanyang ama na si Benjamin Sr., ang nakaupong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
At kapag naniwala ang mga botante ng siyudad sa ibubulgar ni Domingo, baka sumemplang pa si Abalos. Sa pagkaalam ko, mga hidden wealth ng pamilyang Abalos ang nakalinya sa kampo ni Domingo at ang mabigat nito may mga dokumento sila. Totoo kaya ito?
Pero habang hinihintay natin ang mga bomba ni Domingo, pagtuunan natin muna ng pansin itong biglang pag-dismiss ng prosecutors office ng kaso ng bata ni Abalos, na nahulihan ng pulisya ng baril noong February 25. Walang papeles ang baril at maliwanag itong paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi nina PO1 Elvin Ballesteros at PO1 Allan Drillon ng mobile patrol unit ng siyudad, na inaresto nila si Armando Bautista, miyembro ng Bantay-Bayan dahil sa pagpaputok ng baril sa kanto ng Agudo at Kayumanggi Sts. Pero, sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Bautista na kasama ang dalawang barangay officials, tinugis nila ang isang lalaki na nagpaputok ng baril sa nabanggit na mga kalye. Inihagis ng lalaki ang naturang baril para makaligtas sa kanila, ani Bautista. Inamin niya na sa kanya nahuli ang baril.
Sinabi ng aking espiya na kaya na-dismiss ang kaso ni Bautista ay dahil sa naimpluwensiyahan ng batang Abalos ang mga prosecutors sa siyudad. Ano ba yan? At sa ngayon, itong sina Ballesteros at Drilon pa ang nasisi sa kaso.
Hindi lang yan. May isang gun ban violation pa na kinasasangkutan naman ng bata ni Abalos ang napipintong i-dismiss din ng prosecutors office. Ito ay ang kaso ni Porfirio Javier Jr., ng treasury department ng siyudad na naaresto naman noong February 28 sa pag-iingat ng kalibre 9mm pistol.
Walang papeles si Javier na ipinakita kayat hinatak siya sa headquarters ng pulisya at kinasuhan nga. At tulad ng kaso ni Bautista, ang kampo ni Domingo, ay nangangambang ma-dismiss din ito.
Ang nakapagtataka lang, bakit ayaw maniwala ang prosecutors office sa mga pulis ng siyudad? May mafia kayang umiiral diyan sa City hall? Kumilos ka Mayor Abalos para hindi ka madamay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended