EDITORYAL - Huwag alisin ang bitay
March 8, 2001 | 12:00am
Maaaring magkamali si President Gloria Macapagal-Arroyo kung pagbabalakan niyang alisin ang parusang kamatayan. May mga indikasyon na maaari itong mangyari dahil sa pagpapatawad niya sa dalawang death convicts kamakalawa. Imbes na "turukan" ang mga convicted criminals na sina Edgar Maligaya at Rodrigo Calma ay ibinaba na lamang sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga ito. Si Calma ay isang rapist samantalang si Maligaya ay mamamatay-tao. Nakatakda sanang "turukan" si Maligaya kahapon samantalang si Calma ay sa April 2. Maaaring may sumunod pang patatawarin si GMA at kasunod na nito’y ang pagbabasura sa parusang kamatayan. Paano naman ang mga nabiktima ng mga patatawaring ito, Mrs. President? Hindi ba’t mas masakit ito sa mga nabiktima o naulila?
Dapat ding repasuhing mabuti ni GMA ang pagbibigay ng pardon sa mga bilanggo upang hindi siya matulad sa napatalsik na si President Estrada na basta na lamang pumipirma at hindi na nirerebisa ang mga palalayain. Isang halimbawa rito ay nang palayain ang convicted criminal na si Norberto Manero alyas Kumander Bucay noong nakaraang taon. Si Manero ay militia man na bumaril at nakapatay kay Fr. Tulio Favali. Matapos bumulagta si Fr. Favali, kinain pa ni Manero ang utak nito.
Dapat maging maingat si GMA sapagkat ang pagpapalaya o pagpapababa sa sentensiya ng mga criminal ay maselang bagay. Dapat na repasuhin niyang mabuti. Malaking pagkakamali rin kung dumating sa punto na ang maibababa ng hatol ay iyong mga drug traffickers. Sa dami ng mga nahatulang drug traffickers ay wala pang "natuturukan" kahit isa man. At sa palagay namin, kaya hindi natatakot ang mga drug traffickers ay sapagkat walang ngipin ang batas sa bansang ito. Urung-sulong sa paglalapat ng parusa. Kahit maraming buhay na ng mga kabataan ang sinayang ng mga nagkakalat ng bawal na gamot. Sa kabila na marami nang nahuling dayuhang nagpupuslit ng shabu ay patuloy pa rin silang dumadagsa rito. Malambot kasi ang batas at hindi kinatatakutan. Lalo na silang namayagpag sa ningas-kugong kampanya ng pamahalaan ni Estrada.
Ngayong may indikasyong baka mabasura na ang parusang kamatayan, tiyak na magseselebra ang mga rapist, drug traffickers at mga corrupt na government officials. Paano malilinis ang bansang ito kung magiging malambot sa tuwina sa pagpapatupad ng batas. Pag-isipan mo ito Mrs. President. Huwag mong aalisin ang parusang bitay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest