^

PSN Opinyon

Huling baraha ni Erap

-
Si dating First Lady Dr. Luisa ‘‘Loi’’ Ejercito ang sinasabing huling baraha ni dating President Joseph Estrada.

Isa si Loi sa 13 kandidato sa pagka-senador ng Oposisyon at marami ang nagsasabi na malakas ang tsansa na mapasama sa first five senators sa May election. Bugbog-sarado si Erap kay Loi na larawan ng isang martir na maybahay ay siya n’yang ilalaban.

Aminado si Loi na ayaw niyang pumasok sa pulitika subalit sa bandang huli ay nahikayat na rin para pagbigyan ang mga sumusuporta sa kanya. Batid ng marami na napilitan si Loi na pumalaot sa pulitika bunsod na rin ng sulsol ni Erap na kung baga sa isang boksingero ay lupaypay na at hirap nang makabangon pa.

Last card na ni Erap si Loi na sunud-sunuran sa bawat gusto niya. Plataporma ni Loi na kanyang ipagpapatuloy ang naunsiyaming programa ni Erap para sa mahirap. Malaki na rin ang naging kontribusiyon niya sa larangan ng serbisyo publiko. Taumbayan ang nagpatalsik kay Erap. Taumbayan din ang huhusga kay Loi sa halalan sa Mayo 14.

AMINADO

BATID

BUGBOG

DR. LUISA

EJERCITO

ERAP

ISA

LOI

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

TAUMBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with