^

PSN Opinyon

KRUSADA - Mike Arroyo: Volunteer lawyer

- Dante L.A.Jimenez -
Ang pananaw ng lipunan kay President Gloria Macapagal-Arroyo bilang isang ekonomista at pagiging masigasig sa kanyang tungkulin ang inaasahang magbibigay ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Kaugnay nito, ikinararangal ko at ng VACC na tanggapin ang ‘‘First Gentleman’’ na si Atty. Jose Miguel T. Arroyo, bilang isa sa mga volunteer lawyers ng VACC. Sa isang simpleng pagdiriwang noong Biyernes, pormal na tinanghal ng VACC si Atty. Arroyo bilang isa sa mga batikang abogadong boluntaryo ng VACC na tutugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng karahasan at katiwalian.

Isa sa mga pangunahing tungkulin ng volunteer lawyers ng VACC ang magbigay ng legal assistance sa mga biktima ng krimen. Kasama na rin dito ang pagdalo sa paglilitis ng kaso ng mga biktima sa pag-asang mabibigyan ng katarungan.

Inaasahang makikipagtulungan din si Atty. Arroyo, kasama ang iba pang mga volunteer lawyers ng VACC sa pakikipagpulong at pagsasangguni sa isa’t isa ukol sa mga usapin na kung saan ang interes o kapakanan ng lipunan ay nakasalalay. Ito ay upang magkaroon din ng boses ang ating mga kababayan sa kanilang pakikialam sa mga gawain ng pamahalaan upang masiguro naman na ang kanilang kapakanan ay hindi maisasakripisyo para lamang sa interes ng ilan.

Umaasa ang VACC na marami pang volunteer lawyer ang sasama sa ‘‘adopt a case’’ program ng VACC.

Panatag ang VACC sa kakayahan ni Atty. Arroyo at ng iba pang mga volunteer lawyers sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isa sa mga kakampi ng mga biktima ng krimen. Naniniwala naman ako na sa kasalukuyang programa ng Arroyo administration ang magkaroon ng mga pagbabago sa ating sistemang pangkatarungan.

Sa ngalan ng mga biktima ng krimen, malugod na tinatanggap ng VACC si Atty. Arroyo sa pag-asang matatamo nila ang katarungan sa kani-kanilang mga kalagayan. Mabuhay ka, Atty. Mike Arroyo!

vuukle comment

ARROYO

ATTY

BIYERNES

FIRST GENTLEMAN

INAASAHANG

JOSE MIGUEL T

MIKE ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

VACC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with