Maraming scientists ang naniniwala na ang mataas na intake ng protein ay maaaring maging dahilan para mag-stimulate o sumigla ang hormones. Katulad din ng taba (fat) ang protein at ito anila sa dakong huli ang maaaring magbigay-daan naman para magkaroon ng buhay ang cancer. Bihira pa rin siguro ang nakaaalam na ang mataas na intake ng protein ay may relasyon sa pagkakaroon ng osteoporosis. Ang osteoporosis ay ang pagkasira o paglutong ng buto sa alinmang bahagi ng katawan dahil sa kakulangan ng calcium. Kaya nga ba ipinapayo ang pag-inom ng gatas na may calcium.
Ang labis na pag-inom naman ng alak ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng cancer sa atay, bituka, lalamunan at bibig. Ibig kong ipaalam na ang alcohol ay mataas sa calories at hindi ito nagtataglay ng nutrients.
Kung ang isang malakas uminom ng alak ay malakas pa ring manigarilyo, ang panganib niya sa pagkakaroon ng cancer ay mas lalong lumalaki at masakit malamang huli na bago pa malaman na malala na ang kanilang sakit.
Karaniwan na sa mga umuunlad na bansa (gaya ng Pilipinas) ay hindi gaanong binibigyang-halaga ng mamamayan ang pagpili ng mga masusustansiyang pagkain. Nadiskubre ko ring marami sa mga ito ang hindi na pinahahalagahan ang kalusugan at patuloy sa pagkasugapa sa sigarilyo at sa alak.
Inaasahan na sa mga ibinigay kong payo, ay mababawasan na ang mga insidente ng cancer at matutuhan na itong iwasan sa pamamagitan ng tamang nutrition.
Ang mga chairmen ng ibat ibang services ay sina: Dr. Arturo Platon, Emergency Service; Dr. Erlinda Bandong Reyes, Wellnes Program; Dr. Federico Sanchez, Surgery; Dr. Marina Alcalde, O.B.-Gyn; Dr. Juanita Lu-Lim, Medicine; Dr. Eden Latosa, Pediatrics; Dr. Jose Navarro, Neurology; Dr. Lilian Villafuerte, Dermatology; Dr. Nelson Patron, Urology; Dr. Florante Calacal, Orthophedics; Dr. Elisa Valdez, Pathology; Dr. Ruben Cruz, Nuclear Medicine; Dr. Josephine Bondoc, Rehabilitation Medicine; Dr. Joy Ignacio, Psychiatry; Dr. Gil Vicente, ENT-HNS; Dr. Ildefonso Chan, Ophtalmology; Dr. Emelita Umali, Anesthesiology; Dr. Guerrero Legaspi, Radiotheraphy; Dr. Jocelyn Cuyos, Radiology; Dr. Edgardo de Villa, Outpatient; Dr. Ma. Luisa Cuarto, Dental; Mrs. Herculani Lepasana, Pharmacy; at Mrs. Luzviminda Llado, Medical Social Services.
Maraming modernong kagamitan at pasilidad ang JRMMC para sa mga pasyente. Ang mga ito ay kinabibilangan ng: units for endoscopy and laparomy, cobalt machine, simulator and after-loading brachytheraphy, a computerized scanner and a mammography machine. Sa pagdiriwang ng 56th Anniversary, nananatili ang JRMMC sa kanilang matibay na mithiin sa bansa: "Healing the Nation Through Excellence in Health Care".