Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mayor Norma Miguel ng Diadi, Nueva Vizcaya; Col. Sammy Pagdilao Jr., ng Caloocan City PNP; Lory Cabanes ng Manila Bulletin; Tony Katigbak ng Philippine Star at Didith Labrias ng Blue Skies Crackers.
Congratulations sa mga officers ng T.M. Kalaw Lodge No. 136, sina MW Alberto Burdeos, SW Eulalio Lorenzo, JW Rogelio Torrices, Treasurer Joenilo Sulpico, Secretary WB Alberto Cacal at Auditor WB Gregorio Alvarez Jr.
Binabati ko rin si Oriental Mindoro Vice Gov. Bart Marasigan Jr. ng Tamaraw Lodge No. 65.
Ayon sa aking bubuwit, itong anak ay kinikilala naman noon ng kanyang amang congressman. Maganda pa ang love affair ni Congressman at ina ng bata. Actually, nang isilang ito at lumaki ay asikasong-asikaso ni Congressman. Halos araw-araw pa ngang dinadalaw noon ni Congressman hangggang maging dalagita ang bata.
Pero, nang sumama ang relasyon ni Congressman at ina ng bata, naghiwalay sila ng landas. Itinatanggi ngayon ni Congressman na anak niya ang dalagita.
Diyos ko pong mahabagin! Nasaan naman ang puso mo, Congressman? Nasa puwet?
Matapos mong kilalanin, alagaan, laru-laruin at sinuportahan yung bata ay bigla mong itatanggi. Anong klase kang ama?
Dati-rati ay binibigyan mo siya ng financial support na P3,000 kada isang linggo. Pero ngayon ay hindi mo na sinusuportahan. Ngayon pang First Year high school na siya.
Kawawa naman itong bata, House Speaker Sonny Belmonte, Sir.
Ang congressman na hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang anak ay si
Ito ay taga-Metro Manila. Mula sa siyudad na pagawaan ng mga sapatos. Kilala nyo ito sapagkat may panibagong kaso tungkol sa pamamalo diumano ng golf club at pananakal sa isang lady caddy.
Ito ay si Rep. Romeo Candazo ng Marikina City.