Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Sen. Juan Ponce Enrile, Kris Aquino, Col. Willy Dulay, Danny Diaz ng Anito; Manong Val Ancheta, Peachy King, Reison Cordero, James Lising, Allen Valerio, Nilo Bande, Allan Garcia, Darry Viray, Joselito Felipe at Roy Masangkay.
Binabati ko rin sina May Purificacion at Gigi Gutierrez ng AFPMBAI.
Ayon sa aking bubuwit, kakaibang kampanya ang ginagawa ng mga anak ng ex-mayor. Kakaiba sapagkat ang kanilang panawagan ay huwag iboto ang kanilang ama.
Alam nyo ba kung bakit ganito ang kanilang kampanya laban sa kanilang amang ex-mayor?
Kasi hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak ang walanghiyang ex-mayor.
Salbahe ka ex-mayor, bakit hindi mo ginaya si dating President Erap?
Kahit hindi mo mabigyan ng Boracay mansion at log cabin ang iyong mga anak, sana ay mabigyan mo man lamang sila ng sustento.
Ayon sa aking bubuwit, itong original family ni ex-mayor ay hindi na naghahangad ngayon ng sustento sapagkat malalaki na ang kanyang mga anak.
Ang malungkot ay itong dalawang anak niya sa isang foreigner ay matagal nang walang sustento.
Hindi rin siya nagbibigay ng sustento sa anak ng isang professor na naasembolan niya ng apat na anak.
Wala rin siyang sustento sa tatlong anak niya sa isang tinaguriang Madam X sa Mt. Province.
Ang mga ito ay kinalimutan na ni ex-mayor sapagkat may bago na naman siyang foreigner na chiching. Ito ay isa namang Russian na 22-anyos lamang at nagngangalang Elizabeth.
Si ex-mayor ay malamang na matalo o ma-disqualify. Kasi, bukod sa galit na mismo ang kanyang mga pamilya sa kanya, ito ay kakandidato pa sa ibang siyudad.
Dati ay mayor siya sa isang lugar sa Mt. Province subalit ngayon ay kakandidato naman ngayon sa isang siyudad sa Pangasinan.
Ang dami mo namang address, sir!
Ang ex-mayor na hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang mga pamilya ay si...
Mukhang malabo na ang kita niya sa panggagamot.
Ito ay walang iba kundi si dating City Mayor R.M. as in Romualdez Marcos.