Dahil dito, nagsampa si Mario ng kasong illegal dismissal laban sa kompanya. Kinatigan naman siya ng labor arbiter at sinabing ilegal nga ang pagtanggal sa kanya. Kaya inatasan ng labor arbiter ang kompanya na ibalik si Mario sa tungkulin at bayaran ng danyos.
Umapela ang kompanya. Mali raw ang labor arbiter. Habang naka-apila ang kaso, hiniling ni Mario na agad ipatupad ang pagbabalik sa kanya sa puwesto at ito naman ay ginawad ng labor arbiter. Nang ipatutupad na ito, saka lang kinuwestiyon ng kompanya na wala raw hurisdiksyon ang labor arbiter at ang NLRC sa kaso ni Mario. Ito raw ay isang kontrobersiya ng korporasyon at ng kanilang opisyales at ang may kapangyarihang duminig dito ay ang Securities and Exchange Commission (SEC) at hindi ang NLRC o labor arbiter. Tama ba ang kompanya?
Tama. Ang SEC at hindi NLRC ang may hurisdiksyon sa kaso ni Mario. Itoy kontrobersiya tungkol sa paghirang at panunungkulan ng isang opisyal ng korporasyon na may puwesto ayon sa by-laws ng nasabing korporasyon.
Ang pagtanggal sa opisyal ng korporasyon dahil sa umanoy katiwaliang ginawa nitoy nakaapekto hindi lamang sa korporasyon kundi sa mga miyembro nito. Itoy may kinalaman sa relasyon sa loob ng korporasyon, mga gawain at pamamahala nito. Kaya ang SEC at hindi ang NLRC o labor arbiter ang may kapangyarihang duminig nito.
Hindi pa huli upang kuwestiyunin ng korporasyon ang hurisdiksyon ng NLRC. (De Rossi vs NLRC et. al. G.R. No. 108710 September 14, 1999)