^

PSN Opinyon

Magbawas ng basura

-
Wala tayong choice. Pinasa na ang Solid Waste Management Act. Dapat bawasan ang basura sa opisina’t bahay, sa pabrika’t tindahan. Wala nang itsahan sa bakanteng lote o iwanan sa kalye. Bawal ding sunugin dahil sa Clean Air Act.

Madali ’to. Hirap lang akong ibigkas at i-spell. Pero sanayan lang ang garbage segregation, composting, recycling. Matagal ko nang ginagawa.

Lahat ng nabubulok (biodegradable), ibaon. Mumo sa pinagkainan, talop at buto sa kusina, buhok at kuko sa banyo, dahon at duming-hayop sa bakuran. Ibuhos sa compost pit, isang metro ang lalim, bahala ka na sa lawak. Budburan ng konting lupa, sintaas ng palito, para hindi langawin, dagain, ipisin o mangamoy. Diligan nang konti. Bukas, ganun uli.

Sa loob ng 45 araw, fertilizer na. Kung mahilig mag-gardening at kapos sa pataba, samahan ng maraming kusot ang compost pit. Okey na sa loob ng isang buwan.

Yung di-nabubulok, gamitin uli (recycle). Papel, sulatan sa likod. Basyong bote o plastic, gawing sisidlan ng kung anu-ano. Ipunin ang hindi na magamit. Lumang diyaryo, baterya ng kotse, sirang laruan. Ibenta sa magkakariton. Ipambili ng alak, ehek, baon pala ni Junior.

Dati-rati bawat daan ng basurero sa bahay ko tatlong beses kada linggo, dalawang large trashbags na itim. Ngayon, ni walang kalahating bag, minsan sa isang linggo. In-award ako ng City Hall. Ehemplo raw ng waste reduction: 85 percent ang nabawas. Naks!

Itinuro ko sa subdivision. Nagpahukay kami ng compost pits sa mga bakanteng lote. Nagtayo rin ng redemption center para sa puwedeng i-recycle. May gulayan sa tabi. Doon namin dinadala ang basyo’t lumang diyaryo. Karamihan, hindi na sumisingil. Ipinapalit na lang ng gulay.

Kumikita ang homeowners association sa pagbenta ng recyclables. Pang-suweldo sa eco-boys. Pero meron pa ring kapitbahay na matitigas ang ulo. Tamad mag-segregate, compost at recycle. Minumura ko sila: Mga hampaslupa, mga dagang-dingding.

BASYONG

BAWAL

BUDBURAN

BUKAS

CITY HALL

CLEAN AIR ACT

DAPAT

PERO

SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with