^

PSN Opinyon

Mga salot ng Maynila at Parañaque City

-
Dapat bigyang-pansin ni Western Police District Director Chief Supt. Avelino Razon ang lumalalang snatching at holdapan sa Taft Avenue na ang mga biktima ay mga estudyante. Talamak ang snatching sa Vito Cruz, United Nations at Pedro Gil, Maynila.

Hindi ko na mabilang ang mga nakausap kong estudyante na nabiktima ng holdap at snatching ng cellphone, relos, at iba pang gamit na hindi na ipinagbibigay alam sa kapulisan dahil sa ang paniwala nila’y kasabwat ang mga nagpapatrulyang pulis Maynila.

Nakatatak na sa kaisipan ng mga kabataan ang modus operandi ng mga snatchers, agaw-cellphone at holdaper na kasabwat ang ilang kapulisan kaya mababalewala ang kanilang reklamo. Nakakahiya naman ito, General Razon.

Sir, gumawa sana kayo ng mga hakbang kung papaano maaalis sa kaisipan ng kabataan ang maling paniniwalang may sabwatan ang iyong mga pulis at mga snatchers, agaw cellphone at holdapers. Mga salot ng Maynila ang mga ito kapag hindi napuksa sa kasalukuyang panahon.

Kailangan siguro General Razon, napapanahon na upang buhayin muli ang "Junior Police" na nagmula rin sa hanay ng kabataang estudyante.
Kung aasahan natin ang mga opisyal ng barangay sa mga nabanggit na lugar, wala kayong maasahang tulong dahil sa busy na ang mga ito sa kani-kanilang kaalyadong pulitiko sa nalalapit na May 14 elections.
* * *
Walang kaalam-alam ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang "Star Trek" ay bagsakan ng mga menor-de-edad na kababaihan mula sa iba’t ibang lalawigan.

Kakaiba ang modus operandi ng "Star Trek" sa ibang KTV na matatagpuan sa kahabaan ng Imelda avenue, Parañaque City dahil sa walang saplot ang mga kabataang babae kapag humaharap sa mga kliyente maliban sa tinatawag na malong. Kaya dinarayo ito ng mga Chinese national at ilang opisyal ng kapulisan at lokal na pamahalaan ng naturang lungsod.

Ayon sa source ng OK KA BATA! malimit daw na mag-meeting ang ilang mataas na opisyal ng kapulisan ng Southern Police District (SPD) at ilang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa naturang lugar.

Bago raw mag-meeting kuno ang mga opisyal ay may emisaryong unang magpupunta o kaya tatawag sa telepono ang isang nagngangalang Ruel Ricafort na tauhan ni Mayor Joey Marquez.

Nabatid pa sa source na sa hanay naman ng kapulisan ng Southern Police District (SPD) isang nagngangalang Major Kabigting ang tumatayong bagman at cup bearer sa "Star Trek" ni SPD Director Sr. Supt. Manuel Cabigon.

Kaya upang hindi maipasara ang naturang negosyong-dilim ay nakikisama na lang si Jolly Teng, may-ari at malapit na kaibigan ng isa sa anak ni dating President Estrada.

Panawagan sa bagong hirang na Department of Interior and Local Government (DILG) Joey Lina, pakibusisi mo Sir ang nasabing modus operandi bago may mangyaring malagim na trahedya na posibleng ang mga biktima ay mga kabataang babae.

vuukle comment

AVELINO RAZON

GENERAL RAZON

MAYNILA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

STAR TREK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with