^

PSN Opinyon

Hindi pa tapos ang laban

- Dante L.A.Jimenez -
Sa kanyang panunumpa bilang ika-14 na Presidente ng Pilipinas noong Enero 20. Binitiwan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang programa para sa kanyang pamahalaan na pinangungunahan ng kanyang pamantayan na ‘‘leadership by example’’ at ang puspusang pagsulong ng ‘‘healing process’’ sa ating lipunan.

Marami ang nabuhayan ng pag-asa sa mga sinabing iyon ni Arroyo. Sa gitna ng tumataas at lumalaganap na kriminalidad sa lipunan, tila ang mga sinabing iyon ang nauukol para sa ating mga kababayan sa panahon ngayon.

Sa kabila ng maraming pagsubok na hinaharap ni Arroyo at sa kanyang mga hinirang na tauhan, panatag naman ang kanyang kalooban na maipatutupad niya ang mga hangarin para sa taumbayan.

Samantala, patuloy pa rin ang mga hakbang upang maibalik naman sa puwesto si Erap. Para sa mga sumusuporta sa dating Presidente, naniniwala silang si Erap pa rin daw ang Presidente ng bansa. Isang alingawngaw ng mariing pahayag ni Erap kamakailan na siya pa rin ang tunay na pinuno ng Pilipinas.

Tahasang itinanggi ni Erap na nagbitiw siya sa puwesto, at idinagdag pa nito na hindi makatarungan ang ginawang pagpanig ng militar at Korte Suprema kay Arroyo.

Marami ang tila natatawa na lamang sa mga kaganapan mula sa kampo ni Erap kaugnay ng kanilang pagpipilit na hindi si Arroyo ang tunay na Presidente ng bansa, bagamat kinilala na ng buong mundo ang bagong pamunuan matapos ang EDSA 2.

Hindi pa nga ba tapos ang laban para sa pamunuan ng Pilipinas sa pagitan nina Arroyo at ni Erap? Kung nais nating sumulong tungo sa kaayusan at kaunlaran, hindi yata ito ang kailangang gawin ng ating mga kinauukulan upang maiahon na sa kahirapan ang ating mga kababayan.

Gayunpaman, malinaw na malaki na ang suportang naka-alalay kay Arroyo, kaya’t huwag na sanang mag-aksaya pa ng panahon ang mga nais manggulo sa ating lipunan.
* * *
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa inyong lingkod sa vacc@pacific net. ph o di kaya’y sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa Tel. No. 525-9126 loc. 13, 20 at 21.

vuukle comment

ARROYO

BINITIWAN

ENERO

ERAP

KORTE SUPREMA

MARAMI

PILIPINAS

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with