Ang hirit ni Erap
February 3, 2001 | 12:00am
Patuloy pa raw humihirit si ex-President Estrada. Ituloy daw ang impeachment laban sa kanya. Malinaw na feel pa rin ni Erap ang pagiging Presidente. Hindi pa siya kumbinsidong history na siya at ang bagong Presidentey si Gloria Macapagal-Arroyo.
Para kina Senate President Nene Pimentel at Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr., sarado na ang kaso. Ngunit umapela raw ang dating Presidente sa kanila na ang paglilitis ay muling buksan at tapusin.
Dapat ma-realize ni Estrada na pinatalsik na siya ng milyun-milyong mga taong dumagsa sa lansangan. Hindi niya kailangang mag-resign dahil sinipa siya ng taumbayan mismo. Parang isang empleyado sa opisina na sinipa ng kanyang employer. Hindi ubrang sabihin ng empleyado na empleyado pa rin siya porke hindi siya nag-tender ng letter of resignation.
Puwedeng ituloy ang kaso laban kay Estrada pero hindi na sa impeachment tribunal. Maaaring ituloy ang kaso ngunit hindi na isang kasong politikal kundi kriminal. Sa Criminal Court na ito lilitisin at iyan ang malamang na mangyari. Nauunawaan natin ang mga ipinakikitang resistance ng dating Presidente. Uubusin niya ang kanyang lakas at salapi para hindi matuloy ang pagsasampa ng napakabigat na kasong "plunder" laban sa kanya.
At marami pa naman siyang kakampi na magtatanggol sa kanya. Maging sa loob ng gobyerno ay naririyan pa rin sila. Kaya nga nangangamba ako na ang liderato ni President Arroyo ay patuloy na liligaligin. Patuloy na kukuwestyunin ang legalidad ng kanyang pamumuno. Harinawa na manatiling kakampi ni Mrs. Arroyo ang mga milyun-milyong taong nag-people power para sa kanya.
Panahon na para makatikim ng kaunti man lang ginhawa ang ating bayan at mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended