^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng pugo

-
Nang unang panahon ang salita ng tao at hayop ay iisa. Nagkakaintindihan sila at hindi nag-aaway.

Ang magsasaka ay aliw na aliw makipaghuntahan sa mga hayop. Bago dumating ang gabi isa-isa niyang kinakausap ang mga hayop. Inuuna niya ang tandang na manok. Nakikipagkasundo siya rito. Kung kailan titilaok para magising siya ng maaga.

Pinuntahan din niya ang inahing manok at kinausap, ‘‘Kailan mo ako bibigyan ng itlog. Matagal na rin na wala akong itlog na nakakain.’’

‘‘Pasensiya ka na at abalang-abala ako sa mga anak kong sisiw. Hayaan mo at malapit na,’’ sagot ng inahing manok.

Ang paborito ng magsasaka ay ang pugo. Malapit kasi ang pugo sa magsasaka. ‘‘Bakit ka nasa tabi ko?’’ tanong ng magsasaka.

‘‘Gusto kong samahan kayo,’’ sagot ng pugo. ‘‘Nakalulungkot kumain nang nag-iisa.’’

‘‘Totoo iyan,’’ sambit ng magsasaka na nakangiti. ‘‘Ngunit alam ko rin na hinihintay mong may mahulog na mumo sa pinggan ko.’’

Isang araw ay biglang kumalat ang balita na babagsak na ang langit. Natakot ang lahat ngunit hindi nila alam kung ano ang dapat gawin.

Ang magsasaka ay nagpasya na gawin ang dating gawi. ‘‘Wala akong magagawa sa pagbagsak ng langit. Pupunta na lang ako sa bukid at ako ang mag-aararo.’’

Samantala, ang pugo ay nawala. Pagdating ng magsasaka ay nakita niya ang pugo na nakabaligtad. Ang dalawang paa ay nakaturo sa langit. ‘‘Ano ang ginagawa mo, pugo?’’

‘‘Nakahanda ako na saluhin ang langit para maipagtanggol kita. Maliit nga ako ngunit lahat ay dapat mag-ambag ng maitutulong,’’ sagot ng pugo.

AKO

ANO

BAKIT

HAYAAN

INUUNA

ISANG

KAILAN

MAGSASAKA

MALAPIT

PUGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with