Nasa taumbayan ang tagumpay
January 26, 2001 | 12:00am
Kasabihan na nothing is permanent except changes. Walang permanente sa mundo. Ang lahat ay may katapusan. Muli itong napatunayan sa pagpapatalsik kay President Joseph Estrada sa pamamagitan ng makasaysayang People Power 2 sa EDSA.
Nakasulat na ang mga palalo ay ibinababa at ang mga mapagpakumbaba ay itinataas. Ang pagkalasing sa kapangyarihan ni Estrada ang nagpabagsak sa kanya. Matalik na kaibigan ni Estrada si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na nagbunyag ng jueteng scandal. Ang pagbubunyag ni Singson ay nasundan ng ibat ibang akusasyon na humantong sa pagkaka-impeached kay Estrada noong Nov. 13, 2000.
Maraming saksi ng taga-usig ang nalagay sa panganib ngunit ang pangamba nila ay napawi ng ang tinaguriang 11 nang-onseng senador ay bumoto ng no para huwag buksan ang envelope ng mga accounts ni Estrada. Iyon ang nagsilbing mitsa para mag-alsa ang taumbayan noong January 16.
Taumbayan ang nangusap. Sila ang humatol at nagpasya na patalsikin si Estrada at naghirang kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na Presidente ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati nang siyay manumpa, nanawagan siya sa sambayanang Pilipino na tulungan ang mga programang pagbabago na maipatupad sa kapakanan na rin ng mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am