LISTO LANG - Pagtatalik
January 22, 2001 | 12:00am
Maraming tao ang sadyang nagpapakahirap upang antalahin ang kanilang pagtanda. Ilan na rin ang nabigo, ngunit may iba rin namang nagtagumpay. Posible nga bang may nakatuklas ng pormula sa pagpapanatili ng pagkasigla ng isang bata. Bakit may mga taong mas batang tingnan kumpara sa kanilang tunay na gulang? Huwag ka nang maghanap sa iba pang lugar. Ang kasagutan ay matatagpuan sa nakasaradong silid.
Ayon sa mga manunulat ng aklat sa Secrets of the Superyoung, ang mapusok at maapoy na pakikipagtalik ay nakakapagpabata. Sabi ng psychologist na si David Weeks at manunulat na si Jaime James, ang pakikipagtalik ay sinasabing nakapagpabawas ng mga fatty tissue at nakapagpapalabas ng mga endomorphins mula sa utak na nagdudulot ng mas batang anyo sa isang indibidual. Nangangahulugan na sa ating pagtanda, kinakailangang maging mas aktibo ang ating mga sex life. Huwag na nating alalahaning ang mga pari, na may panatang magpakabinata. Nagiging mas magandang lalaki sila kapag tumatanda.
Physical fitness Instructor: Ang buong akala ko ay wala nang iba pang paraan kundi ehersisyo at tamang pagkain. Dapat din palang isabay ang pakikipagtalik.
Dance Instructor: Wala kaming tutol sa mainit na pakikipagtalik. Kasama yan sa aming trabaho.
Bugaw: "Dapat nang gawing legal ang prostitusyon. Nakapagpapabata pala ang pakikipagtalik. Lalakas ang negosyo ko.
Ang resulta ng pag-aaral ay isang magandang balita sa mga taong nagsisikap na magpakabata. Ito na marahil ang pinakamatipid na paraan upang mapanatili ang kabataan ng isang indibiduwal. Para sa mga pabling, ang balita ay nagmistulang hulog ng langit. Wala nang makakapigil sa kanilang libangan na malansi ng damdamin ng iba kahit sa kanilang pagtanda. Mayroon nga bang itinatakdang edad para huminto ang isang tao sa pakikipagtalik. Kung mayroon man, tiyak mas maraming mukhang matanda kumpara sa mga bata.
Sa susunod na ikay makakilala ng isang matanda, na mukhang bata, huwag magpalinlang. Gusto lang niyan makipagtalik.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest