^

PSN Opinyon

Maraming ‘misteryo’ ang nabubuksan

-
Tumitindi ang mga hataw kay Presidente Estrada. Ang testimonya ni dating Finance Secretary Ed Espiritu na ang Presidente’y "secret partner" ni Dante Tan sa operasyon ng maanomalyang Best World Resources ay lalong nagdagdag sa pagdududa ng maraming mamamayan sa kredibilidad ng Presidente.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia negative 19 ang kinabagsakan ng rating ni Estrada (basahin ang balita sa pahina 2).

Alam na ng marami ang anomalya sa BW Resources na nakaapekto nang malaki sa ekonomiya dahil maraming investors (dayuhan at lokal) ang nawalan ng tiwala sa stock market sa bansa dahil sa nabulgar na "insider trading".

Ano ba ang insider trading? Ibig sabihin niyan, yaong mga orihinal na nagmamay-hawak ng saping-puhunan ang siyang nagbibilihan ng sarili nilang stocks para palitawin na ang volume of trading ay matindi.

Makikita nga naman ng mga nagsusugal sa stock market ang heavy trading kaya maaakit din silang bumili ng stocks. Ang hindi nila alam ay artipisyal ang heavy volume ng trading.

Marami ang nadenggoy at may ilang nakinabang. Sinasabi nga na pati si Senator-Judge Rene Cayetano ay kumita rin ng limpak-limpak sa maanomalyang trading, bagay na matinding pinabulaanan ng Senador na nagsabing nais lamang siyang wasakin ng Malacañang dahil sa kinakalaban niya ang Presidente.

At ang nagkakaisang testimonya nina ex-Securities and Exchange Commission Chair Jun Yasay, ex-Philippine Stock Exchange President Jose Luis Yulo at Espiritu ay lalong nagdidiin sa Presidente sa iregularidad.

Hindi na natin dedetalyehin ang kanilang mga testimonya. Pero iisa ang tinutumbok ng kanilang pahayag: Na kakutsaba ang Presidente sa maanomalyang operasyon ng BW Resources at nang magkabistuhan, tinangka niyang mamagitan upang makalusot sa usapin ang kanyang kaibigang si Dante Tan. Hindi natin hinahatulan ang Presidente. Ang pinupuntos natin ay ang public impression laban sa imahe ng Presidente na sa wari’y lalo pang pumapangit habang nahahalukay ang mga asuntong ipinaparatang sa kanya. Naitakda na ng impeachment court sa Pebrero 12 ang pagbababa ng hatol sa Presidente. Kung ito man ay mag-aabsuwelto sa Presidente o magko-convict sa kanya, isang bagay lamang ang ating idinarasal: Na ang anumang hatol sa kapani-paniwala at katanggap-tanggap sa taumbayan. Kung hindi, ma-acquit man o ma-convict ang Presidente, walang pasubaling mananatili ang mga kaguluhan sa bansa. Kaguluhang politikal na ang bunga ay ang patuloy na pagsadsad ng ekonomiya.

ALAM

BEST WORLD RESOURCES

DANTE TAN

FINANCE SECRETARY ED ESPIRITU

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE PRESIDENT JOSE LUIS YULO

PRESIDENTE

PRESIDENTE ESTRADA

PULSE ASIA

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION CHAIR JUN YASAY

SENATOR-JUDGE RENE CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with