^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kuskos-balungos sa impeachment trial

-
Mahirap mapaniwalaang matatapos sa February 12 ang impeachment trial gaya nang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel Jr. noong Lunes. Magandang pakinggan subalit malaking katanungan kung magagawa. Ito ay sapagkat maraming oras na nasasayang sa trial dahil sa mga walang kuwentang bagay na pinagtatalunan. Marami ang nasasayang na laway. Kung tutuusin, mas marami pang oras ang naibubuhos sa pagtatalo kaysa sa paggisa sa mga witnesses.

Isang halimbawa ay ang naganap noong Martes na umagaw at kumain na naman ng oras sa trial. Walang kuwentang pinagtalunan ang umano’y presensiya ng witness na si Jose Luis Yulo habang kino-cross examine si Atty. Ruben Almadro. Sinabi ni Senator-Judge Anna Dominique Coseteng na nakita niya si Yulo sa loob ng court room bagay na itinanggi naman ng prosecution. Sinabi ni Coseteng na hindi siya nagsisinungaling at pinatototohanan na nakita niya sa loob si Yulo. Namumula sa galit si Coseteng at dalawang beses tumayo at ipinagdiinang nakita niya si Yulo. Hindi umano siya nagsisinungaling, pag-ulit pa ni Coseteng.

Tumayo naman si Senator-Judge John Osmeña at sinabing nakita rin niya si Yulo at umano’y may natanggap pang tawag na nakunan umano ng TV camera si Yulo habang nasa loob ng court room. Natigil lamang ang "pagwawala" ni Coseteng nang mamagitan si Presiding Officer Chief Justice Hilario Davide.

May nasayang ding oras nang "magwala" si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago noong isang linggo. Pinalabas niya sa court room ang tatlong miron na sina Dante Jimenez, Rossana Fores at Bettina Aboitiz. Ayon kay Santiago, tinitigan siya ng masama ng tatlo. Marami ang hindi nakakibo at naantala ang trial dahil sa "pagwawala" ni Santiago. Hiniling niyang huwag nang papasukin sa court room ang tatlong miron.

Subalit bahagyang lumambot ang kalooban ni Santiago at sinabing patatawarin ang tatlo kung hihingi ito sa kanya ng paumanhin. Ayaw pumayag ang tatlo. Kamakalawa’y binawi uli ni Santiago ang sinabing patatawarin niya ang tatlo. Mahabang oras din ang ginugol ni Santiago kamakalawa para lamang sabihing binabawi na niya ang kapatawaran.

May isang buwan pa bago sumapit ang February 12 na sinasabing matatapos ang trial. Sa loob ng panahong ito, gaano pa karaming walang kuwentang bagay ang pagtatalunan. Gaano pa karaming laway ang patatalsikin kahit walang kinalaman sa trial. Tulungan sanang matapos na ang trial na ito nang walang balitaktakang wala namang kabuluhan.

BETTINA ABOITIZ

COSETENG

DANTE JIMENEZ

JOSE LUIS YULO

MARAMI

NIYA

PRESIDING OFFICER CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

ROSSANA FORES

RUBEN ALMADRO

YULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with