Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Mary Leo Macalma,VW Mel Loreto, Melchor Toledo, Cynthia Coronel, Rey Arquiza, Melchor Cariaga at Carlos Boy Ang.
Congratulations kay Executive Sec. Edong Angara; Agriculture Sec. Domingo Panganiban at Gen. Tompson Lantion ng PNP Directorate for Research and Development.
Binabati ko rin sina DA Usec. Cristino Collado, Ms. Lenny de Jesus ng HUDC at Assec. Ching Suva ng Malacañang.
Ayon sa aking bubuwit, simula nang maisampa ang impeachment complaint laban kay Erap ay naging sensitibo na itong kanyang kaibigan. Mas lalo na nang tumestigo ang isa nilang kumpare at matalik na kaibigan na si Gov. Luis Chavit Singson.
Ayon sa aking bubuwit, ang insidenteng ito ay nangyari bago sumapit ang Pasko.
Itong kaibigan ni Erap, bilang kinikilalang ninong ng mga artista ay pinupuntahan pala ng mga kapwa artista at mga stunt men. Mamamasko sila at humihingi ng regalo.
Binigyan naman sila ng tig-iisang sobre. Kung tseke o cash ang laman ay hindi sinabi ng aking bubuwit. Basta ang laman nito ay grasya. Tiyak yun.
Ang sabi nitong beteranong aktor ay mukhang tagilid daw si Erap sa kaso.
Diyos ko Day, pagkarinig na pagkarinig nito ay biglang nagpantig ang teynga ng kaibigan ni Erap. Nilapitan nito ang beteranong aktor at pinitserahan. Medyo maliit itong beteranong aktor. Pagpitsera ay nahulog ang sobre sa kanyang bulsa. Pupulutin pa sana niya pero, pinagsabihan siya ng kaibigan ni Erap na Lumayas ka na at huwag ka nang magpapakita sa akin dito!
Natameme ang lahat. Walang nagawa ang beteranong aktor kundi ang umalis at iniwan na ang nakasobreng regalo.
Ang beteranong aktor na pinagalitan ng kumpare ni Erap dahil sa pagsasabing tagilid si Erap sa impeachment trial ay si
Ito ay miyembro ng Low Waist Gang noon ni Erap.
Lumalabas din ito sa mga programa sa telebisyon.
Ito ay ex-convict at medyo maliit.
Ito ay si aktor B.L. as in Batang Liit.