KRUSADA - Walang katarungan sa Senado!
January 7, 2001 | 12:00am
Sa nagaganap na iskandalong kinasasangkutan ni President Estrada ukol sa jueteng, at ang patuloy na pagsisiwalat ni Gov. Chavit Singson panahon na lamang ang makapagsasabi kung maituturing ngang isang mas malaking bayani ni Gov. Singson, kaysa sa tinaguriang ‘‘halal ng masa.’’
Sa nagaganap na pagdinig ng kaso sa Senado, masasabing marami nang narinig at nalaman ang taumbayan patungkol sa iskandalong gumugulo ngayon ng ating lipunan. Dagdag pa rito ang nangyaring bombahan sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan na kung saan ay marami ang namatay at nasugatan. At dahil nga sa mga pangyayring ito, tila hindi na tuloy matiyak ni Juan dela Cruz kung magtitiwala pa ito sa pamahalaan sa usaping kapayapaan at kaayusan.
Kamakalawa ay naging laman ng mga pahayagan ang tila katawa-tawang insidente sa Senado, na kung saan ako ay naging isa sa mga ‘‘biktima’’ ng animo’y pagmamalabis sa kapangyarihan ng isa sa mga tinaguriang ‘‘kagalang-galang’’ na senador. Walang ‘‘due process’’ ang ibinigay sa amin ni Bettina Aboitiz at Rosanna Fores kung saan ay hindi man lamang kami tinanong kung kami ay nagmalabis sa panuntunan ng Senate trial court. Sa kabilang dako ang aming karapatang pangtao ay hindi kinilala bagkus ay inabuso.
Alam marahil ng marami sa ating mga kababayan kung ano ang mga naganap ng hapon na iyon ng Enero 4, at marahil ay naging katawa-tawa pa ang inasal ng senador na nabanggit. Ngunit sa kabilang dako, ang pangyayaring iyon ay magsisilbing isa na namang aral sa ating lahat ukol sa pamamaraan ng isang itinuturing na malaya at masiglang sistema ng pagdinig sa mga kaso na kung saan ay kaugnay ay ang sambayanang Pilipino.
Kung kaya’t hindi maiiwasan ang muling tanong ni Juan dela Cruz: may hustisya kayang kahahantungan ang mga nagaganap ngayon sa Senado, o ang lahat ng mga ito’y isang ‘‘moro-moro’’ lamang? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended