EDITORYAL - Hindi na natuto ang PNP
January 2, 2001 | 12:00am
Kapag may nangyari nang krimen at marami nang namatay saka lamang naghihigpit ang Philippine National Police (PNP). Walang pagbabago. Palagi silang nalulusutan at palaging nalalamangan. Lagi silang natutulog sa pansitan. Hanggang sa kasalukuyan ay nangangapa pa rin ang PNP sa nangyaring pambobomba sa Metro Manila noong Sabado na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit 90. Karamihan sa mga namatay ay mga bata. Pinakamarami ang namatay nang sumabog ang bomba sa coach no. 1037 ng Light Rail Transit (LRT) habang nasa Blumentritt Station. Nagkalasug-lasog ang katawan ng mga biktima at halos hindi na makilala sa lakas ng pagsabog. Dalawang suspects na umano ang "ginigiling" ng PNP sa karumal-dumal na pambobomba.
Kataka-taka kung bakit nasorpresa ang PNP sa limang magkakasabay na pambobomba. Ito ay sa kabila na sinabi nilang may mga banta na may mga manggugulo sa Metro Manila noong nakaraang buwan. Kabilang sa umano’y magsasabog ng kaguluhan ay ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front at mga New People’s Army. Kung nagbanta na ang mga rebelde dapat sana’y inilagay na sa double red alert ang buong PNP at ginuwardiyahan na ang mga posibleng target. Hindi nangyari ito. Walang paghahanda sa puwersa ng PNP. Ang tanging pinaghandaan ng PNP ay ang mga isinasagawang rally at demonstrasyon ng mga sektor na humihiling na bumaba sa puwesto si President Estrada.
Noong Marso ay pinakalat ni PNP Chief Director Panfilo Lacson ang mga marines sa lahat ng mga malls sa Metro Manila dahil sa banta ng pambobomba. Inalis ang mga marines at nauwi na naman sa ningas-kugon ang paghihigpit. Nangyari na naman ang malagim na trahedya at saka lamang natatauhan ang PNP. Kailan ba sila matututo?
Ngayo’y naghahanap sila sa dilim. Ang kahinaan sa paglutas ng krimen ay nakababagabag. Maraming dinadampot na suspect. Maraming panghuhulang ginagawa. At habang ginagawa nila ito, ang sugat na nilikha ng pambobomba sa mga biktima at sa kaanak nila ay lalo lamang umaantak. Kailan nila makakamit ang katarungan sa sinapit? Lalo pang nagpapalabo ang mga paninising ginagawa ni Estrada na ang mga kalaban niya sa pulitika at mga maka-kaliwa ang may kagagawan ng pambobomba. Desperado na aniya ang mga ito kaya nagawa ang karumal-dumal na pambobomba. Hindi nararapat ang paninisi sa panahong marami na ang namatay at napinsala. Ang kailanga’y pakilusin niya ang mga awtoridad upang mahuli at pagbayarin ang mga walang kaluluwa. Hindi sila nararapat sa mundong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended