^

PSN Opinyon

Registration ng mga new voters palpak!

-
Mukha yatang ini-itsapuwera na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kabataan para makapag-rehistro at maka-boto sa darating na May 2001 elections. Ito ay dahil sa walang anumang anunsyo para sa mga bagong botanteng kabataan na edad 18-anyos.

Karamihan sa mga kabataang estudyante na aking nainterbyu ay nabigla nang sabihin kong may deadline ang registration para sa mga bagong botante.

Biruin n’yo nga naman mga Kabayan, umaasa ang mga kabataang edad 18-anyos na maiboboto ang kanilang idolong politiko, ‘yon pala sa panaginip lamang mangyayari.

Hindi nila alam ang lugar ng registration at kung ano ang dapat nilang dalhin, kaya ang nangyari ay binalewala nila ang mga pagpapa-rehistro. Sayang ang isang boto ng kabataan at kung ito ay pagsasama-samahin siguradong aabot ito sa milyong bagong botante.

Mas mabuti pa raw ang pelikula ni Philippine National Police (PNP) Chief Ping Lacson na ginampanan ng artistang kamukha ni Fanny Serrano at may paunang anunsyo kung kailan at saang sinehan ipalalabas pero sa mga bagong botanteng kabataan, ni anino’y wala. Mukha yatang tinipid ang budget o baka walang ibinigay na budget.

Hindi sa pinangungunahan ng Ok ka Bata! ang mga opisyal ng Comelec sa pamumuno ni Chairman Harriet Demetriou, nilabag ng Comelec ang pinaiiral na batas dahil nasasaad, na may 120 araw pa ang nalalabi bago sumapit ang May 2001 election ang dapat na deadline (Jan. 14, 2001).

At ang isa pang responsibilidad ninyong mga opisyal ng Comelec, ay mag-provide kayo ng photographer sa lahat ng registration areas nang hindi na magdala ng photo ang mga bagong magpaparehistro.

Base sa statistic na nakalap ng OK ka Bata!, aabot sa tatlong milyong bagong botanteng kabataan ang sana’y makaboboto pero dahil lamang sa kapalpakan at kapabayaan ng mga opisyal ng Comelec ay nabalewala ito.

Baka naman may pumigil na ipa-anunsyo ang registration dahil takot sa boto ng kabataan na karamihan ay anti-Erap.

Sa mga opisyal ng Comelec, pag-igihan ninyo ang trabaho at baka kayo naman ang pagbalingan ng mga rallyista.

BAGONG

BATA

BIRUIN

CHAIRMAN HARRIET DEMETRIOU

CHIEF PING LACSON

COMELEC

FANNY SERRANO

MUKHA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with