Ayon kay Guia, galing umano siya sa UE ng hapong iyon at naglalakad patungo sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila nang makita ng direktor na si Dominador Ad. Castillo. Iyon ang simula nang pagkakadiskubre sa kanya ng Larry Santiago Productions. Una niyang pelikula ang "Cuatro Cantos" at dito ay kabituin na niya si Erap, Ramon Revilla (ngayoy senador) at Jose Romulo. Ang totooy naging sentro na agad siya ng paningin ni Erap sa unang pagkikita nilang iyon. Naakit na agad sa kanya si Erap. Palibhasay morena siya at charming. Nagustuhan din ni Erap ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi at ang kalambingan sa pagsasalita ng Ilonggo. Dahil sa inagaw ng pelikula ang kanyang buhay, nahinto siya sa pag-aaral sa UE.
Sa ikalawang pagsasama nila sa pelikula nabuo ang kanilang pagtitinginan. Ang pelikula ay ang Asiong Salonga. Sa pelikulang iyon nakilalang lubusan ang pangalan ni Erap na naging dahilan para makilala siya ng masa. Dalawa pang pelikula ang ginawa ni Guia at tuluyan na niyang iniwan ang daigdig ng pelikula.
Nagpatuloy muli siya sa pag-aaral sa ibang unibersidad. Lumipat siya sa Philippine Womens University at dito niya tinapos ang Accounting. Patuloy ang kanilang relasyon ni Erap kahit na wala na siya sa pelikula. Ang relasyon nilang iyon ang dahilan para iwanan ni First Lady Loi si Erap at magtungo sa United States.
Nang umalis ang mag-ina, naging daan naman iyon upang ituring ni Erap na binata siya. Malayang-malaya at walang nakahadlang sa relasyon nila ni Guia. (Itutuloy)