^

PSN Opinyon

Lampas sa kapangyarihan

-
Ang kasong ito ay tungkol sa nangyaring barilan sa isang school party. Nagsimula ito nang may isang armadong lalaki na tila lasing na nagpupumilit pumasok sa gate ng school. Sa pagtawag ng prinsipal, limang pulis ang pumunta sa school. Hiningi nila sa armadong lalaki ang baril nito at inimbitahang sumama sa himpilan. Ibinigay naman ng lalaki ang baril at nagpakilalang siya si Diony. Ipinakita ang lisensiya ng baril. Pagkaraan suriin ang baril at papeles, hinihingi na muli ni Diony ang mga ito. Ngunit ayaw ibigay ni SPO2 Carpio. Nagkaroon ng sunggaban si Diony at SPO2 Carpio na humantong sa trahedya. Binunot ni SPO2 Carpio ang baril niya at napatay si Diony.

Matapos ang imbestigasyon ng taga-usig, idinemanda ng murder si SPO2 Carpio at ang apat na pulis na kasama niya at ito’y isinampa sa Regional Trial Court (RTC).

Sa motion ng mga pulis, ipinasya ng RTC na dapat homicide lang ang demanda at ito’y dapat laban kay SPO2 Carpio lang. Ang isa pang pulis na si SPO3 Diego ay dapat isakdal bilang kasapakat lang samantalang ng tatlo pa nitong kasama ay hindi dapat nasakdal. Kaya’t inutusan ng RTC ang taga-usig na palitan ang sakdal na isinampa nito. Tama ba ang RTC?

Mali.
Walang kapangyarihan ang hukom na pagpasiyahan kung ano ang habla o sakdal na isasampa at kung sino ang dapat isakdal. Ang kapangyihan lang ng RTC ay alamin kung may sapat na dahilan upang magpalabas ng warrant of arrest. Ang pag-aalam kung anong krimen ang nagawa at kung may sapat na dahilan na maaaring nagawa ito at kung sino ang gumawa nito ay nasa kapangyarihan ng taga-usig. (P. Gozos et. al. vs Tac-An et. al. G.R. NOS. 123191, 123442 December 17, 1998).

BINUNOT

CARPIO

DIONY

GOZOS

HININGI

IBINIGAY

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with