Gen. Lacson takot sa sariling anino
December 20, 2000 | 12:00am
Nasa bansa sa kasalukuyan ang apat na political advisers ni President-elect George Bush ng United States para makitang personal at maarok ang tunay na pangyayari ukol sa ekonomiya at pulitika sa ilalim ng liderato ni Presidente Estrada. Sa pagkaalam ko, kakausapin ng apat ang mga maka-Estrada at mga miyembro ng United Opposition para parehas ang report na kanilang isusumite kay Bush, na uupo na bilang Presidente ng US sa Enero.
Ang isa sa apat ay retired military official at graduate ng West Point, ang premier military school sa Amerika. Aba, baka kaklase pa ito ni dating President Ramos na isa sa mga lider ng Oposisyon? Pag nagkataon, malaking bagay ito para sa Oposisyon, di ba? Ang isa naman sa apat ay babae.
Sinabi ng aking espiya na nakipagkita na itong apat na political advisers ni Bush sa mga Oposisyon at kabilang na rito si Ramos. Wala pang balita kung ano ang naging impression ng liderato ni Bush dito sa kanyang counterpart na si Estrada. Ayaw umanong magsalita ng apat bago nila isumite ang kanilang report. Tama naman di ba?
At habang nasa bansa ang apat, nasaksihan nila ang mga kilos pulitika at kung paano iniinda ng mga negosyante at sambayanan ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya.
Tutad noong Lunes, nasaksihan din nila kung paano magsagawa ng rally ang Oposisyon, lalo na sa harap ng Peoples Monument sa EDSA kung saan humiga ang mga ito sa kalsada at naging dahilan ng mahabang traffic.
Napuna rin nila na maraming pulisya ang nakaabang sa Camp Crame, pati na ang ilang truckloads ng Army personnel. Ang mga miyembro naman ng President Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ay alerto rin at katunayan halos lahat ng kanilang opisyal ay nandoon sa kani-kanilang opisina.
May balita kasi na dahil sa pag-iingay ng mga retired military at police generals, maraming sundalo at pulisya ang nahikayat ng Oposisyon na sumama na sa hanay nila. Lumalakas ang ugong araw-araw na magkaroon ng movement ang mga ito bago ang Christmas day. May basehan kaya ang planong ito sa deadline na ibinigay ni Ramos kay Estrada na magbago na? Sa tingin ko siniseryoso naman ng mga maka-Estrada ang threat ng Oposisyon.
Marami tuloy ang nagkomento noong Lunes na mukhang itong si Philippine National Police (PNP) Chief Director Panfilo Lacson ay takot sa kanyang anino dahil sa reaksiyon niya noong Lunes. Anila, kung sobra ang tiwala niya sa PAOCTF, bakit mag-deploy pa siya ng sundalo sa kanyang kampo? Marami naman sa nakausap kong senior at junior officers ng militar at pulisya na galit kina Estrada at Lacson, na hindi pa napapanahon para kumilos sila dahil wala pa ang tinatawag na triggering mechanism. Ano kaya ang ibig sabihin nila rito? May katotohanan kaya ang kumakalat na "Peoples Power Part 2 kung saan susuporta ang buong puwersa ng militar at pulisya kapag sinaktan ng mga bataan ni Estrada ang mga nagpo-protesta? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am