^

PSN Opinyon

LISTO LANG - Patabain

- ni Joel Palacios -
DUMARAMING Pilipino ang kinikitil ng sakit na diabetes, at ang nagiging kalimitang biktima ay yaong matataba. Ayon sa tala ng departamento ng kalusugan, mula 1984 hanggang 1995, tumaas ng 63 porsyento ang bilang ng namamatay sa sakit na nabanggit. Marami ang may maling pagtingin sa katabaan. Madalas itong iugnay sa kariwasaan samantalang ang pagkapayat ay ikinakabit sa pagdarahop. Ayon kay Dr. Susan Yu-Gan ng Philippine College of Physicians, ang katabaan ang pangunahing salik sa pagkakaroon ng diabetes. Sinabi ni Yu-Gan na mahigit sa 90 porsyento sa mga matataba ay may diabetes. Dalawa ang itinuturong dahilan ng sobrang katabaan – ang labis na katakawan, at katamaran. Kaya’t maraming opisyal ng pamahalaan ang may sakit na diabetes. May ilan na tahasang itatanggi ang kanilang katabaan at sasabihing ito ang kanilang natural na pangangatawan. Ngunit hindi madaling itago ang double chin at mga bilbil sa tiyan. Tanungin mo ang mga pulis at hindi sila magsisinungaling.

Opisyal ng population program:
‘‘Diabetes ang siyang lunas sa pagdami ng populasyon.’’

Social welfare officer:
‘‘Hindi katanggap-tanggap ang iyong mungkahi. Tiyak na tututol ang simbahan.’’

Anti-graft officer:
‘‘Ang perang kinurakot ang nakapagpapataba sa tao. Kung mayroon kayong gustong patabain, unahin n’yo ang tiwaling pulis at sakim na naniningil ng buwis.’’

Sakim na maniningil ng buwis:
‘‘Sandali. Ang pinag-uusapan natin dito ay katabaan at hindi ‘‘sahod’’ ko. Kung kinakailangan, kaya kong magpapayat, pero hindi kasama ang bulsa ko.’’

Tiwaling pulis:
‘‘Huwag n’yo akong tingnan. Bilang pulis, kailangan kong panatilihin ang 34-pulgada kong beywang, kung hindi tanggal ako sa trabaho. Aba, malaki yata ang pakinabang ko sa posisyon ko.’’

Sa Pilipinas, 16 sa 100 Pilipino ang may diabetes at ito’y inaasahang dodoble sa susunod na lima hanggang 10 taon. Dapat itong isaisip at kapagdaka’y pakinabangan ng pamahalaan. Sa halip na patayin ang mga kriminal, bakit hindi na lamang sila pakainin ng mga nakatatabang pagkain at hintayin na magkaroon ng diabetes. Sa ganoong paraan, walang sinuman ang magtatangkang magsabi na minamaltrato ang mga bilanggo. Ang pagpapataba ang siyang pinakamakataong paraan upang linisin ang ating mga lansangan ng mga itinuturing na latak ng lipunan. Iyan ang pinakamasarap na paraan ng pagkamatay – ang maging patabain.

AYON

BILANG

DALAWA

DIABETES

DR. SUSAN YU-GAN

PHILIPPINE COLLEGE OF PHYSICIANS

PILIPINO

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with