Naisalaysay ng pobreng coed, ang ginawang pangmomolestiya ni Leonides Cruz sa kanya sa loob ng Distance Education Room ng nasabing unibersidad.
Bago pa mangyari ang sexual harassment, sinabi ng coed na kinumpiska umano ni Cruz ang kanyang school identification (ID) sa hindi malamang kadahilanan.
Siguro’y nagandahan sa katawan ng coed kaya ito kinursunada ni Cruz.
Sinabihan daw ni Cruz ang coed na makukuha lamang nito ang school ID matapos makabuo ng 24 oras na paglilinis sa Student Affair room ng nasabing unibersidad.
Walang nagawa ang coed kundi ang sumunod sa ipinag-uutos ng many_kis na teacher subalit nagkataon namang maraming estudyanteng naglilinis sa nasabing silid aralan kaya pinalipat ito ng ibang kuwarto upang ipagpatuloy ang paglilinis.
Nabatid sa coed na habang naglilinis ito sa nasabing silid-aralan ay biglang lumapit si Cruz at hinawakan siya sa balakang na tumuloy sa binti.
Hindi pa nasiyahan sa paghawak sa balakang, nilagyan pa umano ni Cruz ng pabango sa katawan ang coed bago pinaghahalikan sa batok habang ang dalawang malilikot na kamay ay nakahipo sa maseselang bahagi ng coed.
Ginawa pang hotel ang silid-aralan ng BSU! Matindi ka talaga Cruz.
Ano ba ito BSU President Dr. Rosario Pimentel, ilan bang teacher mayroon kayo na tulad ni Cruz. Dapat dito kay Cruz ay ipako nang patiwarik sa krus.
Sinaniban yata ito ng espiritu ni Echegaray at Andan kaya animo’y linta na naghahanap ng sariwang dugo.
Mr. Leonides Cruz, ilang estudyante na ba ang nabiktima mo sa nasabing unibersidad at ngayon ka lang nabuko dahil sa naglakas ng loob ang estudyante na ipagbigay alam sa kinauukulan. Dapat sa ‘yo, turukan ng HIV virus para matauhan ka sa kali___gan mo. Pwe!
Sa mga opisyal ng nasabing unibersidad partikular na kay Dr. Mariano de Jesus, Vice President for Academic Affairs, pakipadalhan n’yo ang column na ito ng resulta ng inyong pag-aaral at hatol kay Cruz. Isama na rin ninyo ang kanyang retrato para mailathala sa pahayagan at nang maiwasan siya ng mga estudyanteng babae.