Si Daliba na isang karpintero ay nakapiit sa Western Police District Station 10 at sinampahan ng kasong rape sa Manila City Prosecutors office noong Dec. 9 subalit muling pinaiimbestigahan sa pulisya.
Sa panayam ng OK ka, Bata! sa ina ng kawawang biktima, naibaba raw sa kasong "act of lasciviousness" sa hindi malamang kadahilanan at ngayon ay maaaring makapagpiyansa ang suspek ng P40,000.
Isinalaysay ng ina ng biktima, na malimit daw kandungin ng suspek ang bata at dinadala sa kanilang bahay sa nasabing lugar.
Nadiskubre lamang ang krimen, nang tumangging magpahugas ang bata sa ina ng kanyang maselang bahagi dahil sa masakit daw ito, kaya napilitang ipagamot at natuklasang may tulo. Ikinukuwento rin ng bata sa ina ang ginawang maitim na balak ng matanda sa kanya sa loob ng bahay.
Pinatunayan din ito ng ulat na may petsang Dec. 9, 2000 ng National Bureau of Investigation (NBI) Medico-Legal Division na ang hymen ng bata ay lacerated. Ang ibig sabihin, may pumasok na matigas na bagay kaya nawasak.
Ayon sa ina ng biktima, magmula ng maipakulong nila si Leoncio Daliba ay ina-araw-araw daw silang ginugulo at tinatakot ng tatlong anak at kapatid na babae ng matanda na sina Mando, Vangie, Willie at ang kapatid na si Felipa. Ano ba naman yan WPD Station Commander P/Supt. Gorgonio C. Rosero.
Dapat sa apat na ito ay ipagahasa sa mga baklang may sakit na AIDS nang matauhan. Mga hinayupak kayo, gumawa na ng krimen ang inyong tatay kinukunsinti pa ninyo, imbes na humingi kayo ng dispensa sa pamilya ng biktima kayo pa ang matatapang ang apog. Pwe !
Alam ba nyo, Mando, Vangie, Willie at Felipa na dahil sa katarantaduhan at kalib......n ng inyong tatay ay nawasak ang kinabukasan ng bata at bukod dito ay nagkasakit pa ito ng tulo.
Dapat na matuwa kayo mga bugok, dahil hindi na mabibitay ang inyong tatay, kasi ipinababasura na ni President Joseph Estrada ang lethal injection at maari na kayong manggahasa kahit na ilang nene.