Ang misa ay nagsisimula ng alas-4 ng madaling araw. May mga simbahan naman na nagsisimula ng simbang gabi ng alas-5 ng umaga. Masasayang awiting pamasko ang sumasaliw sa banal na misa na sa bawat umaga ay ang pinakasermon ng pari ay may kaugnayan ng pagsilang ng Dakilang Mananakop. Sa mga unang gabi ng simbang gabi ay mapupuna na unti-unting binubuo ang munting belen at itoy matatapos sa umaga ng Araw ng Pasko. Makikita ang sanggol sa munting sabsaban na binabantayan ng kanyang inang si Maria at amang si San Jose, mga pastol at tatlong Haring Mago. Isang maluningning na bituin ang nasa itaas ng belen. Ang bituin ang siyang nagsilbing gabay sa Tatlong Hari para matunton ang kinaroroonan ng Mesiyas.
Sa panahon ng pagsisimbang gabi sanay damhin ng lahat ang kahalagahan ng pagsilang ni Jesus na siyang tutubos ng mga kasalanan ng tao. Dapat sa mga kabataan, lalo na sa mga magkasintahan, na huwag maging garapal at maingay habang nagsisimba. Huwag nilang gawing dahilan ang pagsisimbang gabi para silay magtagpo at gumawa ng maling asal kaya tuloy natatawag silang mga plastik at tsipipay. Dapat na igalang at isapuso ang simbang gabi.