^

PSN Opinyon

Simbang gabi na bukas

-
Bukas ang simula ng siyam na araw na misa de gallo. Ang mga kampana ng simbahan ay pinatutunog bilang pagpapaalaala sa mga deboto na magsimba sa madaling araw. Maaga pa ay bukas na ang mga pintuan ng simbahan at maliwanag na maliwanag ang simbahan lalo na ang altar na napahihiyasan ng malalaking parol na may iba’t ibang kulay. Napapalamutian din ng naggagandahang Christmas lights ang mga santo at iba pang rebulto.

Ang misa ay nagsisimula ng alas-4 ng madaling araw. May mga simbahan naman na nagsisimula ng simbang gabi ng alas-5 ng umaga. Masasayang awiting pamasko ang sumasaliw sa banal na misa na sa bawat umaga ay ang pinakasermon ng pari ay may kaugnayan ng pagsilang ng Dakilang Mananakop. Sa mga unang gabi ng simbang gabi ay mapupuna na unti-unting binubuo ang munting belen at ito’y matatapos sa umaga ng Araw ng Pasko. Makikita ang sanggol sa munting sabsaban na binabantayan ng kanyang inang si Maria at amang si San Jose, mga pastol at tatlong Haring Mago. Isang maluningning na bituin ang nasa itaas ng belen. Ang bituin ang siyang nagsilbing gabay sa Tatlong Hari para matunton ang kinaroroonan ng Mesiyas.

Sa panahon ng pagsisimbang gabi sana’y damhin ng lahat ang kahalagahan ng pagsilang ni Jesus na siyang tutubos ng mga kasalanan ng tao. Dapat sa mga kabataan, lalo na sa mga magkasintahan, na huwag maging garapal at maingay habang nagsisimba. Huwag nilang gawing dahilan ang pagsisimbang gabi para sila’y magtagpo at gumawa ng maling asal kaya tuloy natatawag silang mga plastik at tsipipay. Dapat na igalang at isapuso ang simbang gabi.

ARAW

BUKAS

DAKILANG MANANAKOP

DAPAT

GABI

HARING MAGO

HUWAG

SAN JOSE

TATLONG HARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with