Sa Paskong ito bagamat naghihirap sa buhay ay patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran. Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging matatag sa anumang hirap at mga pagsubok na dumarating. Magkakapit-kamay at sama-samang hinaharap ang anumang pagsubok at sa pagkakaisa ay natatamo ang minimithi maging anuman iyon. Hindi maipagkaila na sa panahong ito ay marami ang mahihirap na lalong naghihirap. Patuloy ang pagbulusok ng piso at pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Damang-dama ang paghihirap at pagkakawatak-watak ng mga kaisipan at pananaw tungkol sa pamamalakad ng pamahalaan.
Isang ina ang naluluhang nagsaad na naaawa siya sa kanyang mga anak dahil sa Paskong ito ay "walang-wala" sila dahil kasama ang kanyang asawa sa mga natanggal sa trabaho. Hindi tulad ng mga nakaraang Pasko na marami silang handang pagkain sa noche buena, magaganda ang kasuotan nila at marami silang tinanggap na regalo subalit sa kabila ng lahat, maligaya rin nilang ipagdiriwang ang Paskong ito kahit salat sila sa yaman. Nagpapasalamat sila sa Diyos dahil silay humihinga at walang karamdaman at sa puso nilay namamahay ang pag-ibig na tunay na diwa ng Pasko.