^

PSN Opinyon

LISTO LANG - Pagsisimula

- ni Joel Palacios -
Dahan-Dahang nababago ang kalagayang paggawa sa buong mundo bunsod ng mga tinaguriang start-up companies. Karamihan sa mga batang executives o yupples ang nagbibitiw sa kanilang mga trabaho at isinusugal ang magara nilang pamumuhay upang magtayo ng sariling kompanya at isakatuparan ang mga natatanging ideya. Sa Germany ilang executive roon, na may edad 30 pataas ang tumitiwalag sa kanilang mga matatag ngunit nakababagot na trabaho upang magtayo ng sariling kompanya at maging milyonaryo sa pamamagitan ng negosyo sa internet. Unti-unting nagugumon ang mundo ng tinatawag na start-up fever. Kailan kaya ito sasapit sa Pilipinas? Marami sa mga suliraning pang-ekonomiya ang malulunasan kung bibigyan ng pagkakataon ang ating matatalino at magagaling na Pilipino na makapagsimula ng kanilang mga sariling kompanya.

Kinakailangan simulan ng pamahalaan ang pagbabago ng pananaw ng mga Pilipino at kintal sa kanilang mga pag-iisip ang ‘‘utak negosyante’’ at hindi ‘‘isip kawani’’. Kasama na rin dito ang pagpapautang ng kinakailangang halaga para sa kapital at kagamitan at pagtatayo ng mga imprastraktura.

Tindera sa isang sari-sari:
‘‘Gusto ko sanang magtayo ng grocery pero wala akong kolateral. Kaya ’yung grocery, naging sari-sari.’’

Maglalako ng taho:
‘‘Hindi ko alam kung ang pagtitinda ng taho ay mahusay na pagsisimula, pero ang tatay at lolo ko ay nagsimula rin sa taho. Pero matanda na ako, sa pagtitinda pa rin ako ng taho bumagsak.’’

Drayber:
‘‘Ako mismo ang nagbuo ng dyip ko, na para sa akin ay mahusay na pagsisimula. Pero sa taas ng gasolina at sa dalas ng trapik, halos wala akong kinikita. Kung puwede lang akong pumasada sa Germany.’’

Sa Pilipinas, kultura at hindi takot ang naghahadlang sa mga Pilipino upang magtayo ng kanilang mga negosyo. Hindi ba’t maging sa paaralan, ang mga bata ay hinihimok na maging doktor, abogado, inhinyero at hindi maging mangangalakal. Bagaman sikat, karamihan sa mga nagiging abogado, doktor, at inhinyero ay naninilbihan pa rin sa mga malalaking kompanya. Malaki nga ang suweldo ngunit kawani pa rin ang kanilang mga katayuan. Dagdag pa rito, wala ring matibay na suporta ang pamahalaan sa mga lokal na mangangalakal at negosyante. Magpahanggang ngayon, wala pa ring pagsisikap ang pamahalaan na linangin ang lokal na mga industriya at nakukuntento na lamang sa awa na ibinabahagi ng mga dayuhang mamumuhunan. Kung kaya’t sa buong mundo kilala ang mga Pilipino sa pagiging ‘‘masipag na kawani’’ at hindi bilang ‘‘magaling na amo.’’

Hangga’t hindi tayo makalaya sa ganitong pag-iisip, walang pag-unlad na masisimulan.

ARING

PERO

PILIPINO

SA GERMANY

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with