Mayor Abalos maaring madamay sa jueteng isyu
November 24, 2000 | 12:00am
May mga mata ang Malacañang na ikinalat para bantayan ang lahat ng Metro Manila mayors para arukin kung kanino sila kumakampi sa juetenggate issue na gumugulo sa liderato ni President Estrada.
Marami na ang lumantad at nangako na susuporta sila kay Estrada ano man ang mangyari. At ang ilan naman sa 17 mayors ay sigurista talaga at patuloy na namamangka sa dalawang ilog. Ang ibig kong sabihin hinihintay nila kung anong panig ang mananalo at doon nga sila tataya, di ba?
Ang isa sa mga binabantayan, ayon sa aking espiya ay si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos. Sa mga balitang nakarating sa akin, maraming mga litrato na ang isinumite sa Malacañang kung saan itong mga ‘‘bataan’’ ni Abalos ay naebidensiyahang sumama sa mga anti-Erap rally.
Noong hindi pa masalimuot itong isyu ukol kay Estrada, si Abalos ay nagpupumilit na maendorso ng Lapiang Masang Pilipino (LAMP) bilang standard bearer ng mga partido sa Mandaluyong City sa darating na eleksiyon. Matatandaan na itong si Abalos ay tumakbo sa ilalim ng Lakas-NUCD noong 1998. Pero dahil mabango nga si Estrada gusto niyang pumalit ng partido para maungusan ang mahigpit niyang karibal na si dating Vice Mayor Bibot Domingo.
At kung makalulusot itong si Estrada sa impeachment proceedings laban sa kanya, sinisiguro kong si Domingo na ang iiendorso ng LAMP para kalabanin si Abalos. At pag nagkataon, baka sumemplang na itong si Abalos, anang aking espiya. Hindi pa naman nagdedeklara o umaanib sa Resign Erap movement itong si Abalos. Pero ang kanyang ama si Benjamin Sr. na dati ring mayor ng siyudad ay sumama na sa Oposisyon. Kaya madadamay din siya pag nagkataon di ba?
At kung hindi pa mag-iingat itong si Abalos maaaring madamay din siya sa isyung jueteng sa kanyang sakop. Matatandaan na tahasang nagsagawa ng kampanya laban sa jueteng itong si Abalos ng nakaraang mga araw subalit ang pinuntirya lamang niya ay ang kanyang kalaban sa pulitika. Ang suporter niyang si Eleuterio Reyes alias Terio na isa sa mga jueteng financiers sa siyudad ay huminto lang pansamantala. At nang sa tingin nila ay malamig na ang isyu, biglang bumalik ang jueteng ni Reyes. Inamin ni Reyes sa aking espiya na ang protektor niya ay si SPO1 Felipe ‘‘Jun’’ Lim Jr., hepe ng anti-vice unit ng pulisya. Pero sa totoo lang, para malayo siya sa peligro, hindi itong si Lim ang tumatanggap ng lingguhang intelihensiya kundi ang mga taga-Public Order and Safety (POS) na naka-assign sa opisina niya.
Kung hindi maaaksiyunan ni Abalos itong si Reyes maaaring gamitin ni Domingo ang naturang isyu sa darating na halalan para mamulat ang mga tao sa katotohanang nagkamali sila ng pagpili ng lider nila na jueteng ang inuuna imbes na ang kapakanan nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended