Nalimutan ng asawang Hapones

Ang letter ay galing kay Aling Nena ng Bagong Silang, Cavite.

Lumiham po ako para alamin kung anong dapat gawin o saan dapat ilapit ang kaso ng anak kong babae na pinakasalan ng isang Hapones noong Feb. 8, 1996 sa office of the Executive Judge Osorio sa Karuhatan Valenzuela, Metro Manila. Pagkaraan ng ilang buwan ay nagkaroon po sila ng isang anak na lalaki na napabinyagan na rin bago umuwi sa Japan ang Hapones dahil patapos na ang kanyang visa rito sa ating bansa. Ang nakakalungkot po, magmula nang umalis siya ay hindi na sumulat man lamang. Kung ilang beses nang tumawag ang aking anak sa Hapones pero sa pakiramdam niya ay parang pinagtataguan na siya nito.

Sana po ay matulungan ninyo kami dito sa problema namin kung saan puwedeng mabigyan ng atensyon at mabigyan ng suporta ang aking apo.

Paano po ba ang proseso para mapakiusapan ng aking anak ang Hapones na magbigay ng suporta?


Ang mabuti mong gawin ay magpunta sa consular assistance division, nasa 2nd floor ng Department of Foreign Affairs at hanapin si Ms. Violet Enerlan, dahil siya ang namamahala tungkol sa mga kasong ito.

Sa pagpunta ninyo roon ay dapat dala-dala n’yo ang papeles ng marriage license ng anak mo at dapat alam niya ang address ng asawa niya sa Japan o telepono man lamang.

Show comments