^

PSN Opinyon

Maraming naisakatuparan ang Manila Police

-
Sa 100 years ng Manila police, dalawang opisyal lang ang nagkaroon ng pagkakataon na maging hepe nito ng dalawang beses.

Ang dalawang two-termers ay sina Brig. Gen. Eduardo Quintos na nanungkulan noong Enero 12, 1948 hanggang Disyembre 1, 1951 at Sept. 17, 1962 hanggang Abril 7, 1965 at Chief Supt. Avelino Razon Jr., mula naman Hunyo 11, 1996 hanggang Agosto 3, 1998 hanggang sa kasalukuyan.

Ang masasabi ko lang kaya sina Quintos at Razon ay nabigyan ng tsansang mamuno nga sa Manila Police ng dalawang beses ay dahil naman sa katangi-tangi nilang kakayahan at undivided devotion to duty na siyang naging dahilan para maging outstanding ang accomplishments ng kanilang mga tauhan.

Mula nang itinatag ito noong 1901, ang Manila Police ay nagkaroon ng maraming changes, transformation of improvements bunga sa makabagong teknolohiya sa ngayon at mga scientific methods para malutas ang mga kaso.

Kaya nga ang usap-usapan ngayon ng miyembro ng Manila Police, sa sobrang dami ng nagawang accomplishments ng mga retirado nilang kasapi, pipilitin nilang tumbasan ito kung hindi man mahigitan.

Sa kanilang history, ang pulisya ng Maynila ay naka-score rin ng maraming ‘‘first’’ tulad ng pagbuo ng registered non-stock associations at patriotic organizations na ang layunin ay makatulong sa kanilang miyembro, retirado man o kasalukuyan pang nanunungkulan.

Ang iilan na kabilang sa listahan ng ‘‘first’’ ng Manila Police ay ang Order de Caballeros de Rizal na tinatawag ngayon na Knights of Rizal, MPD Savings and Loans Association na ang pangalan ngayon ay POSLAI, the Manila Finest Retirees Association, the Manila’s Finest of Los Angeles, California, the Police Provident Association Inc.

At para nga mapaganda ang centennial celebration ng Manila Police sa Enero 9, nagbuo na si Razon ng mga committee na magpapatakbo ng mga aktibidades na maaaring abutin ng isang linggo.

Isa sa komite na binubuo ng mga retirado at aktibong pulis ay naatasang magsulat ng Manila Police History na isasalibro. Si Maj. Pete Angulo (ret.) na chairman sa media relations, ay miyembro rin dito.

Inamin ni Angulo na ang pagsulat ng history ng Manila Police ay isang gigantic at assidous task, but worthy to be a proud legacy and living inspiration, not only for the present officers and men of WPD, but to all law enforcers of the country.

AVELINO RAZON JR.

CHIEF SUPT

EDUARDO QUINTOS

ENERO

MANILA

MANILA POLICE

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with