LISTO LANG - Maybahay
November 6, 2000 | 12:00am
Sa ibat ibang panig ng mundo, marami ang nababalo dahil maraming kababaihan ang nabubuhay ng mas matagal kumpara sa mga kalalakihan. Ayon sa ulat ng United Nations Population Fund (UNPF) ang life expectancy ng mga kababaihan ay lubhang tumataas. Ilan sa mga dahilan nito ay ang pagbababa ng bilang ng mga nasasawing sanggol at bata, pinabuting nutrisyon, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at pagpa-plano ng pamilya. Ayon pa rin sa naturang ulat, mas madaling kapitan ng sakit sa puso at iba pang karamdaman ang mga kalalakihan bunga na rin ng kanilang pagkalantad sa ibat ibang panganib sa kani-kanilang pinapasukan.
Sa kabila ng angking kahambugan ng mga kalalakihan, mananaig pa rin ang mga babae sa bandang huli. Hindi bat sa tuwing may alitan ang mag-asawa, ang lalaki ang siyang unang lalapit upang suyuin ang nagmamaktol na maybahay. May mga bagay na hindi karaniwang kayang gawin ng babae tulad ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ngunit, maging ang pimakamatipunong lalaki ay naghahanap ng kalinga at pag-unawa ng kanyang ina kung nahaharap sa isang matinding pagsubok. Kung kayat mas makabubuti marahil kung ipagkatiwala natin ang ating kinabukasan sa isang taong lalagi sa mundo ng mas matagal.
Dahil mas mahaba ang buhay ng mga kababaihan, marami ang nababalo ng mas maaga. Bagaman, mas matagal ang buhay ng mga nababalo, bihira naman ang nag-aasawang muli. Maraming mga matatandang lalaki ang nagpapalipas na lamang ng oras sa sandaling sila ay magretiro sa serbisyo. May ilan naman na nakikilahok sa ibang mga gawain upang mapanatiling aktibo ang kanilang pamumuhay kahit na sila ay sumapit sa takdang gulang ng pagreretiro. Kung ang mga kalalakihan ay pupuwedeng magretiro at lasapin ang kanyang pinagpaguran, hindi natitigil ang trabaho ng mga babae. Kahit na sa kanilang pagtanda, mayroon pa rin silang mga responsibilidad na dapat na kaharapin.
Ander-de-sayang asawa: Ang pag-aasawa ay parang hatol na ibinaba ng isang may kinikilingang hukom. Batid kong mabubuhay ng mas matagal ang aking asawa. Para na rin akong pinagkaitan ng tsansang ma-parole.
Masayang asawa: Masuwerte akong tao, Ang asawa ko ang haharap sa mga pinagkakautangan ko sa oras na mamatay ako.
Nangangaliwang mister: "Mag-aaway-away ang mga asawa ko, pag ako ang namatay. Bahala na sila.
Matimtimang maybahay ng nangangaliwang mister: "Malakas ka at malusog ang pangangatawan mo dear, at maaring mabuhay ka ng mas matagal. Hinding-hindi kita lalasunin. Pero masayang putulin ang iyong pagkalalaki para matapos na ang maliligayang araw mo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest