Nagpasya siyang pumunta sa siyudad. Pero sa siyudad ay ganoon din. Wala siyang mapasukan. Hinahanapan siya ng natapos sa kolehiyo samantala wala naman siyang napag-aralan. Wala rin siyang karanasan.
Pagkalipas ng isang buwan ay aburido na siya. Ubos na ang kaunting perang baon niya. Pati ang tinutuluyan niyang pinsan ay parang nagsasawa na rin sa kanya.
Napadpad ang magsasaka sa karnabal. Sa kabutihang palad ay naka-anunsiyo na nangangailangan ng empleyado. Kahit ibala ako sa kanyon ay papayag ako, bulong sa sarili.
Hindi pangkaraniwan ang napasukan niya. Namatay ang gorilla ng karnabal. Pinasuot siya ng balat ng gorilla para magpanggap na hayop.
Mayroon ding isang kasulatan na pinapirma sa magsasaka. Nakasaad na ipapangako na hindi niya sasabihin kanino man na nagpanggap siyang isang gorilla. Alam mo, ito ang pinakatanyag na palabas sa buong Pilipinas. Pag nabulgar at nalaman ng mga tao na isa palang tao ang gorilla ay mapapahiya kami at masisira ang karnabal. Basta umakyat ka sa puno at maglambitin sa baging.
Sa una ay hirap siya dahil sa init sa loob ng balat ng gorilla. Pero nasanay din. Dahil sa magandang tanggap ng mga tao ay lumakas ang kanyang loob. Naglambitin siya sa baging at pataas ng pataas ang kanyang inaakyat na mistulang tunay na gorilla.
Isang araw ay napatid ang baging at nahulog ang gorilla sa harap ng leon. Nakalimutan na ang pangako na hindi magpapakilalang tao. Ang inalala ay ang kanyang buhay.
Saklolo," sigaw ng magsasaka. Ako ay isang tao. Tulungan ninyo ako sa kuko ng leon!
Sumagot ang leon, Hoy, huwag kang maingay at pareho tayong mawawalan ng trabaho. Isa rin akong magsasaka na nasa loob ng balat ng leon.