Ayon sa aking bubuwit, 55 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kina VW Artemio Cacal, Bro. Edwin Regino, Bro. Delfin del Rosario, Bro. Narciso Liston, Mar Dumapias, Lino Abacan, Kathleen Cunanan, JAY-R Estacio, Simon Galicia at Tess Debett.
Binabati ko rin sina Oca Cruz ng DZME, Ma. Remedios Ramos ng Nextel at Rudy Angco ng IRRI.
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa nangyaring crisis noon sa ating ekonomiya, naapektuhan ang business ng nasabing TV personality.
Naku, siguradong mas marami pa ang maaapektuhan ngayon dahil sa crisis na kinakaharap nati. Dahil kay Gov. Luis Chavit Singson, ang daming sumabit. Mapu-puwersa kayang mag-resign si President Erap?
Mukhang malaki talaga yung kanyang utang sa banko sapagkat ang kapalit nito ay ang kanyang mansion sa Forbes Park, Makati City. Ito yung mansion na meron pang mini-theater na kasya ang mga 40-katao.
Bukod sa Forbes Park property meron pa itong kasamang resort condominium at dalawang club shares. Ito yung kabayaran sa kanyang outstanding obligation na umabot sa P134-million. Pero, sabi ng aking bubuwit, mukhang umabot nang mahigit P200-million.
Isinagawa ang dacion en pago kesa naman daw rematahin ng banko ang kanyang mga ari-arian. Mas diyahi di ba?
Ito ay condominium na may sukat na 381 square meters sa Rockwell, Makati City.
Ang nakalulungkot lang na parte kay TV personality, ang dami ng kanyang mga kaibigang socialites at mga rich. Pero nang humingi siya ng tulong, nawala lahat ang mga bruha.
Anyway, kung gusto ninyong bilhin ang mansion ni TV perso-nality sa Forbes Park puntahan nyo at meron nang nakalagay na for sale. Di ko lang alam kung magkano ipinagbibili.
Ang TV personality na for sale ngayon ang mansion sa Forbes Park ay si Mr. J.L. as in Jesus is Lord.