^

PSN Opinyon

Bank manager, sinibak dahil sa love affair sa biyuda

-
ALAM n’yo bang ipinasibak ng isang dating mayor ang isang bank manager dahil meron itong love affair sa kanyang biyudang pamangkin?

Ayon sa aking bubuwit, 61 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kina Rep. Rudy Gonzales, Gerry Umali ng PLDT; Norbing Lorenzana, Danyse Reandelar at Benjie Lira.

Binabati ko rin si Fiscal Tony Paguirigan, Fiscal Alexander Yu, Atty. Vic Padilla at Justice Rudy Palatao ng Sandiganbayan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matagal nang galit itong dating mayor sa manager ng banko dahil tutol siya sa love affair ng kanyang pamangkin dito. Minsan ay nilusob na rin ni Mayor ang staff house ng bank manager subalit nakatakas ito. Mabuti na lamang at nakapuslit kaagad itong manager, kundi ay bugbog-sarado ang inabot nito kay Mayor at mga bodyguards nito.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kalat na kalat na ang illicit love affair ng bank manager at ng pamangkin ni Mayor sa kanilang lugar. Dahil dito, sinugod din ni Mayor ang kanyang biyudang pamangkin. Pinagsabihan na itigil na ang love affair sa manager ng banko.

Tumutol naman ang pamangkin. Pinagsabihan pa nito ang tiyuhin na huwag siyang pakialaman sapagkat siya ay nasa tamang edad na. Katunayan ay isa na siyang biyuda na naghahanap ng pagmamahal.

Dahil sa sinabi ng pamangkin, lalong nagalit si Mayor at pinagmumura ang pamangkin. Sinabihan niyang malandi. Nagalit naman ang biyuda sa pakialamerong tiyuhin. Huwag daw siyang pakialaman at mahal na mahal niya ang bank manager.

Siguro panay ang deposito ng manager kay biyuda?

Kinuha ng pamangkin ang kanyang shotgun at iniumang sa tiyuhin. Walang nagawa ang tiyuhin kundi nagmumurang lumabas ng bahay.
* * *
Pero hindi pa rin diyan natapos ang kuwento. Dahil feeling ni Mayor ay kinukuwartahan lamang ng bank manager ang kanyang pamangkin na may hardware, ang ginawa nito ay pinuntahan si Boss Danding Cojuangco at nagsumbong. Pinakiusapan na sibakin ang nasabing bank manager ng UCPB sa kanilang lugar.

Siyempre, Chairman ng UCPB ’yung kinausap. Na-pressure ’yung bank manager at nag-avail ng early retirement kahit hindi pa siya dapat magretiro.

Ayon sa aking bubuwit, ang manager ng banko na ipinasibak ng dating mayor sa Tuguegarao City dahil may love affair sa kanyang pamangking biyuda ay si...

Biyuda na ’yung chiching na si Cora, pero maganda at bata pa. Biro n’yo 32-anyos lang. Sangkaterba pa ang asim niyan.

Ayon sa aking bubuwit, ang bank manager ng UCPB na sinibak sa tungkulin ay walang iba kundi si...

Ito ay tall, dark and never mind. Dito yata nagagalit si Mayor eh. Kasi, pangit daw ’yung pinatulan ng kanyang pamangkin.

Ang bank manager na ipinasibak kay Boss Danding ay si...

Ito ay si Mr. J.P. as in Just Pokpok ng UCPB Tuguegarao.

vuukle comment

AYON

BANK

BENJIE LIRA

BOSS DANDING

BOSS DANDING COJUANGCO

DAHIL

DANYSE REANDELAR

MANAGER

MAYOR

PAMANGKIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with