Editoryal - Aktibo na naman ang mga kidnaper
October 23, 2000 | 12:00am
NAKATUON ang pansin ng gobyerno sa jueteng scandal kaya ang iba pang problema ay hindi na nahaharap. Natutuliro na ang taumbayan sa walang tigil na pagtaas ng gasolina, pagtaas ng pamasahe at kung anu-ano pa. Ang masakit ay kung mabiktima pa sila ng mga halang ang kaluluwa sa gitna ng kalituhan at kasalatan sa buhay. Sinasamantala ng mga kidnaper ang pagkatuon ng gobyerno sa jueteng at nagsasabog na naman sila ng lagim.
Lima katao na ang nabibiktima ng mga kidnaper sa buwang ito at ang pinakahuling dalawang biktima ay pinatay pa. Noong gabi ng October 3, kinidnap ang magkakapatid na sina Jasmine, John Christian at Joey Cua sa kanto ng Del Monte at Cordillera St., Quezon City kasama ang kanilang driver na si Benito de la Cruz. Tumakas ang mga kidnapper sakay ng Starex van. Habang sinusulat ang editoryal na ito, wala pang lead ang pulisya kung saan dinala ang magkakapatid na Cua.
Noong nakaraang linggo, kinidnap naman sa North Cotabato ang 14-anyos na si Vincent Uy. Pinaniniwalaang mga rebeldeng Muslim ang kumidnap kay Uy. Ang kidnapping sa Mindanao ay karaniwan na lamang at tila hindi mapatahimik ng mga awtoridad. Ang mga Abu Sayyaf na pangingidnap ang propesyon ay hindi naman madurug-durog ng pamahalaan sa kabila na ipinangako ni President Estrada na pupulbusin ang mga ito. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa batid kung ano ang nangyari kay Uy.
Noong Martes ay kinidnap sina Eunice Kaye Chuang, 5 at ang yaya nitong si Bibeth Montecino, 27. Kinabukasan, natunton ang bangkay ng dalawa sa kisame ng isang bahay sa Malolos, Bulacan. Nabatid na ni-rape si Montecino bago pinatay. Nakagapos at may pasak ang bibig ng dalawa nang matagpuan. Ang masaklap pa, nang ireport ni Mrs. Emily Chuang, ina ni Eunice, ang pagkawala ng dalawa, hindi siya pinakinggan ng mga pulis sa Binondo Police Station at ikinatwirang kailangang maghintay pa ng 24 hours bago mapabilang ang mga ito as missing. Sinibak ni Western Police District (WPD) Director Chief Supt. Avelino Razon ang hepe ng Binondo Station na si Supt. Jusephus Angan. Nahuli na ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang suspect na si Monico Santos, taxi driver na regular na naghahatid at sumusundo kina Chuang at Montecino sa school.
Aktibo na naman ang mga kidnaper at mas mabangis. Pumapatay ng batang walang kamalay-malay at walang takot na kahit katirikan ng araw ay nangingidnap. Sinasamantala ang pagkalingat ng mga awtoridad sa isyu ng jueteng at sa pagbabantay sa mga nagpoprotesta. Kailangang kumilos ang pamahalaan bago pa lumala ang isang krisis na yayanig sa administrasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest