Ayon sa aking bubuwit, 68 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday kay Dep. Executive Secretary-Ernesto Martinez, at sa kanyang roommate na si Mrs. Violeta Martinez; Pagcor Chairperson Alice Reyes, Director Nita Capistrano ng Malacañang at Annie Urbano, Asst. Treasurer ng Meycauayan, Bulacan.
Binabati ko rin sina Flora Martin, Presidente ng Municipal Treasurers League ng Bulacan; Atty. Florendo Llameg, Len Sibulan, Hasmin Marable, Mayor Alberto Bumolo Jr. ng Kasibu, Nueva Vizcaya at mga konsehal ng nasabing bayan.
Ayon sa naantalang report ng aking bubuwit na Torogi, three weeks ago ay nakita nila itong si Sexy actress na kasama ng isang opisyal ng pamahalaan. Sila ay nagtungo sa isang maganda at exclusive subdivision sa Baguio City. Ito ay ang compound na kinatatayuan ng Voice of America.
Ito ay nasa Loakan Road subalit sakop pa rin ng Camp John Hay Reservation.
Ang mga nakakapagpatayo lamang ng mga bahay dito ay mga sikat at mga rich. Merong bahay dito sina President Erap Estrada, House Speaker Manny Villar, Fernando Poe Jr. at Nora Aunor.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga binili nilang pagkain tulad ng lechon baboy at mga drinks ay idineliver pa ng isang helicopter. Napaka-exclusive kasi ng nasabing subdivision, parang Tagaytay Highlands na hindi puwedeng pumasok ang mga outsider.
Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na iniregalo sa government official ay bilugan ang mukha, medyo mahaba ang buhok at saka morena. Siya ay may mga litratong hubot-hubad sa beach, ala-Tetchie Agbayani, pero artistic naman. Ipinagbibili na yata ito ngayon ng P2,000 bawat kopya.
Ang nasabing sexy actress na ipinangregalo sa isang government official ay si sexy actress J. as in Just Do it.
At ang opisyal ng pamahalaan na kapiling ni sexy actress sa loob ng tatlong araw ay walang iba kundi si
Sinong hula ninyo?