^

PSN Opinyon

LISTO LANG - Lunas

- ni Joel Palacios -
PATULOY na hawak sa leeg ng mga tiwaling pulitiko ang Pilipinas. Nananatiling talamak ang katiwalian, nepotismo at pagbili ng boto at iba pang paraan ng pandaraya at panlilinlang sa halalan. Karamihan sa ating mga nakapuwestong opisyal sa pamahalaan ay naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan lamang ng kani-kanilang padrino. Kung kaya’t nagagalak silang sinauna pa rina ang sistema ng bilangan ng boto sa ating bansa.

Para sa gaganaping halalan sa susunod na taon, nag-iimbita ang Commission on Elections (Comelec) ng maghaharap ng mga kabayo at bangka para maghatid ng mga balota mula sa mga liblib na baryo tungo sa kabayanan. Ngayon, magtataka pa ba tayo kung ang mga balota ay dagliang mawawala sa kamay ng Comelec habang inihahatid sa mga tabulation centers? Sa mga baryo, maaari pa ring gamitin ng Comelec ang mga kariton upang ihatid ang mga balota. Ngunit sila’y nakalantad sa kapahamakang maaaring idulot ng ilang sekta, o di kaya’y madukot at ipatubos sa gobyerno ng Abu Sayyaf.

Canvasser:
"Malakas ang loob ko na tutubusin ako ng gobyerno kung sakaling dukutin ako ng Abu Sayyaf, lalo na kung nasa kamay ko ang mga balotang maaaring makaapekto sa kahihinatnan ng halalan."

Watcher:
"’Wag kang pasisiguro. May mga nakahanda na kaming papalit sa ’yo kung sakaling mawala ka."

Abu Sayyaf:
"Dudukutin namin ang pulitikong may taglay na mga pinakamasasamang kaso tulad ng pagpatay, pagmamalabis ng kapangyarihan, panghahalay, katiwalian, at iba pa. Kung hindi siya tutubusin ng pamahalaan, papalayain namin ang pulitiko."

Maraming paraan upang mandaya. Sa ilang lugar, mas marami pa ang bumoto kumpara sa aktuwal na nagrehistro. Pati ang mga patay ay tumalima sa panawagan ng gobyerno na bumoto. Bagaman, ang pagko-computerize ng halalan ay umubra sa ibang bansa, tila wala itong magiging silbi sa ating bansa dahil sa kakulangan ng telepono at mapagkukunan ng elektrisidad, lalo na kung ang mga tinaguriang political warlords ang siyang nagpapatakbo sa halalan. Kahit computerized na ang eleksyon, kailangan pa ring busisiin ang listahan ng mga botante sapagkat isa rin itong paraan upang dayain ang resulta.

Paano itutuwid ang sistema ng pulitika sa bansa. Ang kasagutan ay nasa balota. Ngunit kailangang makahanap tayo ng paraan upang pangalagaan at bantayan ang pagkasagrado ng balota.

ABU SAYYAF

BAGAMAN

COMELEC

DUDUKUTIN

KAHIT

KARAMIHAN

KUNG

MALAKAS

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with