IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-19 sa serye)

"CASE number five." Ang hukom ay nanibago at may ibang tao sa kanyang sala. "Your honor, I am respectfully appearing for accused Susan Ramirez. Here is the document which manifests that I am a counsel of her choice." Napaigtad sa upuan ang PAO lawyer at dagling binasa ang papel. Masama ang tingin kay Susan, sinibak na pala siya sa serbisyo’y hindi man lamang siya sinabihan. "I have no knowledge that my services had been terminated your honor," ang reklamo. "Ayaw mo nu’n nabawasan ka ng trabaho," ang off-the-record na pakli ng judge. Tawanan. Nakitawa na rin si Susan.

"Your honor, in my research, my client has been languishing in jail for so long, yet, there were no prosecution witnesses ever presented to prove her culpability. May we know from the good Fiscal, if he has witnesses for today, because if there is none, then, I humbly but judiciously submit this motion for provisional liberty." Ang galing ng tagapagtanggol ni Susan. Pulido ang Ingles. Hindi nauutal. Memoryadung-memoryado ang linya. "Nakakahiya yatang 200 lang ang bayad ko."

"Yes your honor," sagot ng public prosecutor na hindi natitinag. "We sent a subpoena to PO2 Amorsolo Fernandez and he personally received it. May we know if he is here."

"Fernandez?" tanong ng interpreter. "PO2 Fernandez, nandito ka na ba?" Tinginan sa isa’t isa ang mga tao. Walang sumasagot. "Last call Police Officer Two Amorsolo Fernandez?"

"Krrrik," tunog ng pintuan. Lahat ay napatingin sa paparating. Isang malaking lalaki ang pumasok. Naka-sumbrero at nakauniporme ng kulay gray. "Present, your honor."

"Diyos na mahabagin. Bakit ka lumitaw? Ngunit hindi kasama ito sa mga pulis na umaresto sa amin. Hindi ako maaaring magkamali," kinabahan si Susan. Bumalik ang pagkagutom. Nanilaw muli ang kulay. Tila aatakihin sa asthma. Hindi na niya nahabol ang takbo ng pangyayari.

"Mister witness, what was your basis in arresting the accused?" usisa ng taga-usig. "Bakit n’yo hinuli ang mga akusado?" salin ng interpreter. "May natanggap kaming ulat mula sa isang asset na may bentahan daw ng shabu sa isang apartelle," ang sagot. "We received a report from an asset that they will sell shabu in an apartelle," ang literal at nag-ibang salin. "Then what did you do?" "Pinasok po namin ang apartelle, ang target ay ang mag-asawang Co at hinuli sila." "We entered, targetting the Co family and arrested them." ‘Why did you arrest them?" "Kasi po may nakita kaming ilang gramo ng shabu sa mesa." "Because we confiscated shabu in a table."

Show comments