^

Police Metro

VP Duterte trial maaaring lumampas sa Christmas break – solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posible umanong lumampas pa sa Christmas break ang paglilitis at pag­baba ng hatol laban kay Vice President Sara Duterte sa  kaso ng paglobo ng ka­yamanan nito na aabot sa P817.87 milyon sa Senate impeachment court.

Ayon kay prosecutor at Akbayan Partylist Rep.Chel Diokno bagaman puntirya ng prosecution panel na matapos na ang paglilitis bago ang Christmas break ay nananatili aniyang walang katiyakan ang pagtatapos nito at maging ang boto ng mga senator-judges sa kabila ng kanilang kumpiyansa sa mga matitibay na ebidensyang naisumite.

Tumanggi si Diokno, na mangako sa isang deadline bago mag-Pasko at binigyang-diin na dapat tapusin ng korte ang paglilitis nang may paggalang sa tamang proseso.

Ang pahayag ni Diokno ay tumugma sa sinabi ni Atty. Paolo Panelo, Spokesman ni VP Sara na hanggang Disyembre ang paglilitis dahilan sa pagpi­prisinta ng nalalabi pang 6-8 testigo ay naglaan ang defense team ng 3 linggo.

Inihayag ni Diokno na handa ang prosecution team na harapin at isalang sa cross examination ang mga nalalabi pang testigo.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with