^

Metro

2 milyong dagsa sa mga sementeryo, terminal

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 milyong dagsa sa mga sementeryo, terminal
Mala-zigzag na ang pila ng mga biyahero sa isang bus terminal sa Kamu­ning, Quezon City upang humabol na makauwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong Undas.
Miguel de Guzman

Sa bisperas ng Undas

MANILA, Philippines — Umabot sa halos 2 milyong katao ang nagtungo sa mga sementeryo, mga pantalan, bus terminals, at airports sa buong Metro Manila, nitong Sabado, Oktubre 31.

Sa Manila North Ceme­tery, ang pinakamalaking sementeryo sa bansa, ay tinatayang nasa 500,000 ang bumisita, bago pa ang All Saints Day ngayong Nob­yembre 1 at All Souls Day, bukas Nob. 2.

Bukod pa ito sa libu-libong naitala na dumalaw sa mga puntod sa Manila South Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Paco Park na pawang nasa Maynila.

Gayundin ang La Loma Cemetery na nasa boundary ng Santa Cruz, Manila, at South Caloocan.

Ang Libingan ng mga Bayani, Manila American Cemetery and Memorial, Heritage Park, sa Taguig; Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque; Loyola Memorial Park sa Marikina; Golden Haven sa Las Piñas, Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa; Holy Cross Memorial park at Himla­yang Pilipino sa Quezon City; Eternal Gardens sa South Caloocan; Ever Memorial Garden sa Valenzuela.

Dinagsa rin nitong Sabado ang Bagbag Public Cemetery, Baesa Cemetery, Tala Cemetery, Sangandaan Ceme­tery, sa Quezon City; San Roque Cemetery, San Felipe Neri, Aglipay Ce­metery.

Ngayong Linggo, Nob. 1, inaasahang mas matao ang mga nasabing sementeryo at mga columbaria.

Samantala, sa Para­ñaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na pinakamarami ang dumadaan para magbiyahe patungong lalawigan ay tinatayang 1.2 milyon na ang naitala simula Okt. 25 hanggang nitong Sabado.

Bukod pa ito sa mga nasa pantalan, airports, at iba pang mga terminal ng bus.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with