^

PM Sports

Cardinals umeskapo sa Knights sa OT

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinahaba ng Mapua University ang kanilang winning streak sa apat matapos nilang kaldagin sa pahirapang laban ang Letran sa overtime ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan kahapon.

Sinandalan ng Cardinals sa bandang dulo si Lance Nitura upang tulungan ang koponan na ilista ang 4-3 karta at manatiling nasa pang-apat sa Group A ng team standings.

Nahirang na Best Player of the Game si Nitura matapos irehistro ang 11 points, tatlong rebounds, tatlong assists at dalawang steals para sa Mapua na ipinalasap sa Letran ang pangatlong talo sa pitong salang.

“It was a grind it out and close game until the end but we’re thankful we had the breaks of the game,” ani coach Chito Victolero. “All the sacrifices and tough losses made us learn a lot. There was a reason why we lost in situations like those na panalo na, natatalo pa.”

Ipinaramdam ng Cardinals ang kanilang lakas sa kaagahan ng first quarter para hawakan ang five-point lead, 20-15 papasok ng second frame.

Hindi nagbago ang laro ng Mapua kaya naman lumubo pa sa walo ang abante nila, 38-30 sa halftime break.

Hindi naman pumayag ang Knights na makalayo ang Cardinals sa third kaya tinapyasan nila sa apat na puntos ang hinahabol, 49-53 patungo sa final quarter.

Napagtiyagaan ng Letran na habulin ang lamang ng Mapua sa fourth canto kaya naman nakahirit sila ng overtime game.

Pero naging matatag ang Cardinals sa extra period dahil sa nagliliyab na laro ni Nitura at sa tulong din nina Yam Concepcion, Jamal Diaz, Marc Cuenco at Ivan Lazarte na bumakas din ng tig 11 puntos.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with