^

PSN Showbiz

Moira, handang makipag-ayos kina Sam!

Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Moira, handang makipag-ayos kina Sam!
Moira Dela Torre
STAR/ File

Nagsalita na si Moira Dela Torre tungkol sa hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, mahigit isang taon matapos siyang maging sentro ng usap-usapan online dahil sa sunud-sunod na unfollow sa Instagram.

Diretsahan siyang tinanong sa press conference ng kanyang concert na Where It All Started, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Oktubre 4, 2026. Tinanong siya ng reporters kung bakit sila nag-unfollow-an ng kanyang mga kaibigan at kung may nagawa ba siya para mauwi ito sa ganoon.

Nagsimula ang isyu noong huling bahagi ng Enero 2025. Napansin ng netizens na in-unfollow ni Moira ang lahat ng fina-follow niya sa kanyang Instagram account, at ilang kapwa artista — kabilang sina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos at TJ Monterde na pawang talents ng Cornerstone Entertainment — ang hindi na rin siya pina-follow.

Hindi maikakailang kapansin-pansin ang ti­ming nito, dahil ilang linggo lang ang nakalipas mula nang lumabas ang balita na hiwalay na si Moira sa Cornerstone, ang matagal na niyang management. Wala namang kumpirmasyon noon mula kay Moira o sa ahensya tungkol sa hiwalayan.

Sa presscon, walang pinangalanan si Moira. Pero nilinaw niya kung ano ang hindi nangyari. Nang tanungin kung may nasabi ba siya sa mga taong iyon na naging dahilan ng unfollow, sagot niya: “No, I didn’t.”

Mariin din niyang pinabulaanan ang usap-usapang may sinabi siya laban sa kanyang mga kaibigan nang patalikod.

“I opened up to a close friend of mine, but I didn’t backstab anyone. Not in that way. I wouldn’t do that. They’re all safe with me. So, it was just one close friend, one. But it wasn’t that way. Not that way.

“I know that a lot of the things that happened had something to do with a lot of misunderstandings. And we never got to talk about it.”

Nagpasalamat naman si Moira sa malaking nagawa ng dating management niya sa kanyang career.

Aminado rin siya na she lost friends along the way, pero hindi raw niya sinasara ang anumang pintuan. “For me, I’m still hopeful that none of us really burned bridges. And a lot of us just need a little bit of time. I think a lot of us just hurt differently.

“And ako po, I acknow­ledge that there were things na nagawa ko po when I was hurting na hindi ko po sinasadya. And there were things na hindi ko po sila masisisi for how they reacted, and that’s okay.

“But I know that what we all had was real. They’re all good people, and I’m really, really grateful for the memories that we all had and shared.”

MOIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with